Mandatory vaccination sa mga workers simula na sa Dec. 1 – Roque
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong measures kaugnay sa mga bakunahan na sisimulan sa darating na Disyembre 1, 2021 bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Roque, ang mga hindi pa bakunadong mga empleyado ay hindi tatanggalin sa kanilang mga trabaho ngunit ire-require ang mga ito na regular na sumailam sa RT-PCR testing, o antigen tests gamit ang kanilang sariling gastos.
Samantala, mandatory na rin na ipapatupad sa mga kababayan na nagtatrabaho sa mga pampublikong transportasyon kabilang ang road, rail, maritime and aviation sectors.
Paglilinaw naman ni Sec. Roque, hindi kabilang sa mga nasabing panuntunan ang mga frontliners at mga nagtatrabaho sa mga emergency services. (Daris Jose)
-
POC pres. Tolentino ipinagmalaki ang tagumpay ng mga atleta sa kanyang pamumuno
IPINAGMALAKI ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin. Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15. Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay […]
-
PBBM, nagtalaga ng OICs sa newly-created Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Abdulraof A. Macacua at Bai Mariam S. Mangudadatu bilang mga officers-in-charge sa mga bagong nilikha na lalawigan na Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. Tanging si Macacua lamang ang nanumpa bilang Maguindanao del Norte OIC. Pinili ng Pangulo si Macacua na pangunahan ang Maguindanao del Norte […]
-
Spa sa QC na pinuntahan ng unang Mpox case sa bansa, ipinasara
IPINAG-UTOS ng Quezon City Government ang agarang pagpapasara ng AED Infinity Wellness Spa matapos matuklasan na galing dito ang unang pasyente ng MPOX sa bansa. Dagdag pa riyan ay nadiskubre rin ng Quezon City Government na walang kaukulang business permit ang naturang establisimyento. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bukod sa wala […]