• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mangingisda, isasabak sa West Philippines Sea

PLANONG gawing reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mangingisda sa Kalayaan Island para magbantay sa West ­Philippine Sea.

 

 

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt Gen. Romeo Brawner, Jr. tuturuan ang mga mangingisda kung paano makakatulong sa pagdepensa ng bansa.

 

 

Sinabi ni Brawner na ikinokonsidera nila ang pagbuo ng maritime militia sa may WPS para palakasin ang presensiya ng militar sa lugar.

 

 

Ang pahayag ni Brawner ay kasunod na rin ng water cannon incident sa may outpost ng Pilipinas na BRP Sierra Madre na nasa Ayungin shoal noong Agosto 5.

 

 

Subalit tutol dito ang Pag-asa Island Fisherfolk Association of Kalayaan na pinangungunahan ni Larry Hugo sa pagsasabing magiging mahirap ito para sa kanila sa pangamba na sila naman ang pagbalingan ng Chinese Coast Guard.

 

 

Nais lamang nilang makapangisda para sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

 

 

Ani Hugo, ayaw nilang umabot na sila ay banggain o i-water cannon ng mga Chinese tulad ng ginawa sa resupply ship ng AFP sa Ayungin Shoal.

 

 

Gayunman, kung magbibigay lamang ng mga impormasyon or situational report maaari itong gawin ng kanilang grupo subalit hindi ang pagdadala ng mga armas.

 

 

Iginiit din nito na hindi sila hahawak ng armas.

 

 

Ang nasabing grupo kasi ay nag-o-operate ng 36 fishing boats sa may Pag-asa island. (Daris Jose)

Other News
  • 1,180 detinido sa Bulacan Provincial Jail, binakunahan ng booster shots

    LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 1,180 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) dito ang tumanggap ng COVID-19 booster shots na isinagawa ng Provincial Health Office-Public Health noong Sabado, Pebrero 26, 2022.     Pfizer at Astrazeneca ang mga bakunang itinurok sa booster rollout kung saan 755 sa kanila ay […]

  • PNP at DTI, inatasan ni PBBM na tumulong para mapababa ang presyo ng mga pagkain

    INATASAN  ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain.     Inilabas ng Chief Executive ang direktiba sa Department of Trade and Industry (DTI) at […]

  • Pinas, handa na ngayon para sa high-tech, high-impact investments

    HANDA na ngayon ang Pilipinas na maging “go to destination” ng high-tech at high-impact investments.   Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos pangunahan ng inagurasyon ng StBattalion (StB) Giga Factory sa isang ceremonial switch-on sa Filinvest Innovation Park sa New Clark City sa Capas, Tarlac. A   ng StBattalion (StB) Giga Factory […]