Manibela muling nagbanta ng strike
- Published on March 15, 2023
- by @peoplesbalita
MULING nagbanta ang grupong Manibela ng isang muling malawakang welga kapag hindi tumupad ang pamahalaan sa pangako nito na kanilang bibigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs).
Ito ang bantang binitiwan ni Manibela president Mar Valbuena. Ayon sa kanya ay nagkaron sila ng hindi sinasadyang pagkikita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kung saan inulit lamang ng huli kay Valbuena ang ginawang statement ni President Marcos na hindi magkakaron ng phase out ng mga jeepneys.
Patuloy pa rin silang naniniwala sa commitment na binigy ng Malacanang sa grupo na rerepasuhin ng pamahalaan ang controversial na PUV modernization program.
Subalit diniin ni Valbuena na ang welga ay mananatiling kanilang option kapag hindi natupad ang binitawan salita ng pamahalaan.
Ayon sa kanya ay kanyang hiningi kay Bautista na bigyan ng prioridad ang pagbibigay ng assistance sa mga drivers na mas kailangan ang magkaron ng rehabilitation ang mga sasakyan o mapalitan ang mga lumang PUJ.
“They should prioritize those who cannot afford the P2.8, P2 million needed to modernize,” wika ni Valbuena.
Nagbigay din ng commitment si Bautista sa kanya na magbibigay muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong memorandum upang bigyan ang pansin ang kanilang mga hinaing. Rerepasuhin din ng LTFRB ang report na may 65 na porsiento na PUVs ang sumailalim na sa consolidation para sa modernization program.
“Of course, the meeting cannot be sealed immediately. Just like another cases, when you go to the government, your concern will not immediately be settled, especially that the issue is big. They are also consulting with others, but he told me that he is always open to a dialogue,” dagdag ni Valbuena.
Nagkaron naman ng isang dialogue ang mga miyembro ng Manibela at Piston matapos ang ginawang welga sa pangunguna ni Communications Secretary Cheloy Garafil sa Malacanang habang ang pangulo naman ay nasa kabilang telepono at nirereport ang resulta ng pagpupulong.
Sinusulong ni Valbuena at ng kanilang grupo ang full suspension ng pagpapatupad ng Department of Transportation’s Department Order 2017-011 kung saan nakapaloob ang mga rules at regulations ng PUVMP, kasama na rin ang LTFRB Memorandum Circular 2023-013.
Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2023-013, ang isang single operator na mabigong sumunod sa consolidation requirement sa takdang panahon ay babawiin ang kanilang prangkisa o ang kanilang certificate of public convenience. Ang prangkisa ng mga operators na hindi sasama sa consolidation ay “automatically rewarded” sa existing consolidated entity na may operasyon sa parehong ruta.
Sa nilabas na datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may 96,000 na jeepneys lamang ang sumama upang maging kooperatiba o korporasyon na siyang pangunahing kailangan sa ilalim ng public utility modernization program (PUVMP).
Pinalawig ng LTFRB and deadline ng consolidation sa December 2023 na dapat sana ay sa June 2023 na gagawin. LASACMAR
-
56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat
AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco. Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]
-
Batas na naglalayong gawing kriminal ang nagre-red-tagging, labis na nakababahala at mapanganib para sa bansa
SINABI ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang Senate bill na naglalayong parusahan ang red-tagging ay gagamitin lamang para patahimikin o busalan ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels. Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy na ang nasabing batas na naglalayong […]
-
Brownlee laging maaasahan ng Kings
MALAKI ang naging papel ni import Justin Brownlee sa panalo ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship showdown. Naitarak ng Gin Kings ang 106-94 panalo kontra sa Tropang Giga para maitabla ang serye sa 2-2. Sa naturang panalo ay nagpasabog agad […]