• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILA CENTRAL POST OFFICE, NASUNOG

UMABOT sa P300 milyon ang halaga nang nilamon ng ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office  sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, na nagsimula ang sunog dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  sa General Services Section sa basement at tuluyang nilamon ang apat na palapag ng gusali.

 

 

Ayon sa BFP, pito  sa kanilang mga bumbero at volunteer ang sugatan habang inaapula ang mala-impyernong sunog.

 

 

Kinumpirma naman ni BFP-NCR Chief Supt.Nahum Tarroza, na 100% na nilamon ng apoy ang gusali na  isang heritage building.

 

 

Sinabi ni Tarroza na nahirapan ang mga bumbero na ang gusali dahil nagsimula ang sunog sa basement na masyadong delikado.

 

 

Bukod dito, nauubusan din ng tubig ang tangke ng mga fire trucks kaya ang iba ay kumuha pa ng tubig sa Pasig River at maging ang tubig sa fountain ng Liwasang Bonifacio ay ginamit na rin ng mga bumbero.

 

 

Aniya, mabilis na lumaki ang sunog dahil sa mga papel sa loob ng post office bukod pa sa gawa sa kahoy ang sahig ng ikatlong palapag ng gusali.

 

 

Sa ngayon lahat aniya ng anggulo o maaaring sanhi ng sunog ay kanilang tinitignan tulad ng electrical, sinadya o aksidente.

 

 

Hindi pa rin ito tuluyang idineklarang fire out dahil may usok pang lumalabas sa gusali. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads July 23, 2024

  • TANGGAL BARA, IWAS BAHA PROGRAM, INILUNSAD SA QC

    INILUNSAD ng Quezon City Government ang programang TANGGAL BARA, IWAS BAHA at kabahagi rito ang 142 na barangay ng lungsod upang palakasin pa ang flood mitigation ng lokal na pamahalaan.     Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng barangay na unahin o gawing prayoridad ang pagtanggal sa mga bara sa […]

  • PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

    UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.     Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.     Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]