MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.
Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, Laguna.
Naganap umano ang insidente dakong alas-11:05 kahapon ng umaga sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St Paco nang dikitan ng suspek ang sasakyan ng biktima.
Ayon sa ulat ang mga suspek ay nakasakay umano sa kulay itim na SUV na may Plate number na ABG 8133.
Huli umanong nakita ang suspek sa westbound ng Quirino papunta sa Roxas Boulevard nang tumakas.
Samantala,kinondena naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ,ang ginawang pag ambush kay Senados.
Inatasan rin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na kaagad magsagawa ng sariling imbeatigasyon sa pagpatay kay Senados.
“we are shocked by the audacity of this attack. it highlights once again the grave peril that our prosecutors face each day in the discharge of their duties. i have ordered the NBI to immediately step in and investigate this horrible murder,”ayon kay Guevarra.
Nalaman na isa sa kontrobersiyal na kaso na huling ini-inquest kay Senados ay noong Oktubre 2019 na may kaugnayan sa ginawang pamamaslang kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Vito Cruz ,Sampaloc,Maynila.
Nabatid na iniutos umano ni Senados ang pagpapalaya sa apat na suspek na sina Bradford Solis, Juanito de Luna, Junel Gomez at Rigor de la Cruz kung saan “referred for further investigation” ang naging resolusyon ni Senados. (GENE ADSUARA)
-
VP Sara, pinuri si PBBM sa kanyang unang taon bilang Pangulo ng Pilipinas
PINURI ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagumpay na unang isang taon nito sa pamamalakad sa bansa bilang halal na Pangulo. Sinabi ni Duterte na pinatunayan lamang ni Pangulong Marcos sa unang taon niya bilang Pangulo na determinado ang kanyang gobyerno na tupdin ang lahat ng kanyang mga […]
-
Gulo sa PWAI nasa AWF na
UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF). Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan. Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. […]
-
PBBM, hindi pa nagtatalaga ng bagong Pagcor chief
HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor). Ang paglilinaw ng Malakanyang ay kasunod ng ulat na di umano’y itinalaga na ni Pangulong Marcos si Atty. George Erwin Garcia para pamunuan ang Pagcor. Itinatwa ni […]