• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILA LGU, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIBRENG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MANILENYO

NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.

 

 

Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.

 

 

“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.

 

 

“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.

 

 

Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.

 

 

Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.

 

 

Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.

 

 

“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer

    PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film.      Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story.     Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the […]

  • Target ng DOLE na mainspeksyon ang nasa 64k na mga establisimyento at kumpanya, nalampasan na

    NALAGPASAN  na ng Department of  Labor and Employment (DoLE) ang target nito ngayong taon na maisailalim sa inspeksyon  ang 64,000 business establishments and companies sa bansa.   Layunin nitong malaman kung nasusunod ba ng mga nagbalik operasyon na mga negosyo ang health at labor standards na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan at proteksyon ng […]

  • Ads June 8, 2022