• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

 

Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.

 

 

 

Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din siya ng BS Crimino­logy sa Philippine College of Criminology (PCCR) mula 1978 hanggang 1988 at kumuha ng kursong Law sa Manuel L. Quezon University (MLQU-LAW) mula 1989 hanggang 1993.

 

 

Nakilala rin siya bilang isang “sharpshooter” mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT) noong panahon ng WPD at naisapelikula rin ang kanyang buhay noong 1996.

 

 

 

Naging Criminal Law professor din si Santiago sa Emilio Aguinaldo College, Philippine College of Criminology at sa Emilio Aguinaldo College. Nagsilbi rin siyang acting executive/presi­ding judge ng Regional Trial Court (RTC) sa Manila at Tagaytay, at dating Metropolitan Trial Court (MeTC) judge sa Maynila.

 

 

Agad namang nag-courtesy call sa mga opisyal ng Department of Justice si Santiago kahapon. Kabilang aniya sa kanyang tututukan sa kanyang bagong tungkulin ay ang pagsugpo ng cybercrimes at scammers sa bansa at pabibilisin pa ang pro­seso nang pagkuha ng NBI clearance.

 

 

 

Ayon kay Santiago, ilan sa marching orders sa kanya ng DOJ ay pagandahin pa ang serbisyo ng NBI at ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya.  (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

    NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.     Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, […]

  • PSC, POC magba-bubble sa Japan

    MAGTATAYO ng training bubble ang Philippine Sports Commission o PSC at Philippine Olympic Committee o POC sa Japan para sa mga qualified at hahabol mga na atleta para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo.   “Kung open na ang travel, why not join other tournaments,” wika nitong Huwebes ni POC president Abraham (Bambol) […]

  • DC Gives A Detailed Look at Aquaman & Black Manta’s New Costumes in ‘Aquaman 2’

    DC has given us a detailed look at the uniforms Arthur Curry (Jason Momoa) and Black Manta (Yahya Abdul) will be using on Aquaman and the Lost Kingdom.     Our own Steven Weintraub took some exclusive pictures at the Licensing Expo in Las Vegas, giving us the best look yet at the new costumes […]