• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manliligaw, parang kabute na lulubog-lilitaw: QUEENAY, araw-araw at gabi-gabing dinarasal-dasal na magka-boyfriend

PORMAL na ngang ni-launch ang newest beauty brand na Jullien Skin ang kanilang much-awaited rejuvenating set na kung saan ina-assure ang mga Filipino consumers ng healthy and radiant skin without breaking the bank.

 

 

Ang Jullien Skin Rejuvenating Set, ay naglalaman ng Kojic cleaning soap, rejuvenating toner,  hydrating sunscreen, at rejuvenating night cream, na kung saan aasahan ang mga gagamit ang clear, protected, and hydrated skin sa loob lang ng 15 to 30 days ng regular na paggamit. Exclusively sold ito sa lahat ng Puregold branches for only P299.

 

 

Excited na binahagi ni Jamira Magcale, ang president ng JDM Corporation, distributor ng new skincare brand, ang pagdadala ng Jullien Skin sa Philippine market.

 

 

“Everyone wants to feel beautiful in their own skin,” sabi ni Jam.

 

 

“We created Jullien Skin para mailabas ang ganda ng bawat Filipino. It is all about offering quality and effective skincare at an affordable price that Filipinos everywhere can enjoy,” dagdag pa niya.

 

 

Sa naganap na media launch noong February 22, 2023 sa Scout 1880 Café and Events Venue, Mother Ignacia Avenue cor. Sct. Reyes St., Quezon City., ipinakilala na ng Jullien Skin ang kanilang celebrity endorser, na walang iba kundi ang 21-year-old Tiktoker superstar and actress na si Queenay Mercado na may higit 13 million followers on sa social media, at perfect nga ito to represents the Jullien Skin market that aspires to have beautiful and healthy skin.

 

 

Ayon kay Queenay tungkol sa ini-endorsong Jullien Skin Rejuvenating Set, “ang laki po ng impact ng skincare sa aking beauty routine.

 

 

“That’s why I’m so grateful for being chosen as an endorser for Jullien Skin. Having skin that feels and looks good on the outside helps me exude self-confidence! That’s the feeling I want to share with everyone who picks up a Jullien Skin Rejuvenating Set.”

 

 

Samantala, sobrang aliw talaga si Queenay at tunay na kamahal-mahal, na sobrang abala na talaga sa kanyang showbiz career bukod sa pagiging Tiktoker.

 

 

Kaya natanong siya kung may oras pa na magpaligaw kung sakaling may magtangkang manligaw.

 

 

“Naku nga, yan nga ho ang panalangin ko!” nakangiting tugon ng dalagang Batangueña, na kinaaliwan nga sa kanyang punto at pagsasalita.

 

 

Dagdag pa niya, “Iyan ang dinarasal-dasal ko araw-araw, gabi-gabi. Na sabi ko’y iyan, ‘Inay, diyan muna kayo at ako’y ano muna dine sa isang tabi.’

 

 

“Pero may mga naliligaw din ho. May mga sumusulpot na parang kabute, na mamaya ay lulubog-lilitaw.

 

 

“May mga ganun ho pero siyempre, hinahayaan ko lang ho dahil alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang.

 

 

“At kung ang tunay na pag-ibig ay hahanapin mo, baka tayo ay ma-hopia lang pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan.”

 

 

Pagbibiro pa niya, “kaya tatakas sa Inay minsan, charot lang!”

 

 

At dahil pumatok si Queenay sa kanyang authentic accent, at kasama pa ang kanyang ina sa TikTok. Marami talagang gumaya sa kanya, bagay na ikinatuwa naman niya.

 

 

“Actually, natutuwa po ako na may gumagaya sa akin dahil hindi ho ako para ma-insecure or what! Ba’t ako ginagaya?’ Hindi ho!

 

 

“I’m very happy dahil siyempre, ang mga Batangueño, aba’y naiaangat natin ang ating mga sarili, ang ating probinsiya.

 

 

“Masayang-masaya ho ako dahil nailalabas na nila ang kanilang sarili. Dahil ho kung dati, sila ay nakatago, nakakubli sa kanilang mga sarili, ngayon ay nailalabas na nila ang kanilang sarili.

 

 

“Kumbaga hindi na sila nahihiya na ipakita ang punto nating mga Batangueño!”

 

 

At sa mga dalagang Batangueña sa TikTok, siya na raw ang tunay nilang Queen.

 

 

“Ay kinilig naman ako doon! Maraming-maraming salamat ho pero mga Batangueño, sama-sama tayo at lahat tayo ay gaganda!” sambit pa ni Queenay na ang tagline sa ini-endorse na products, ‘ilabas ang ganda’.

 

 

Kaya simulan na ang paggamit ng Jullien Skin Rejuvenating Set at kayo na ang humusga.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PDu30, maaaring bumuo ng independent task force para walisin ang korapsyon sa DPWH

    MAAARING bumuo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang independent task force para bunutin at walisin ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Nauna nang bumuo si Public Works Secretary Mark Villar ng task force na kinabibilangan ng mga DPWH officials para imbestigahan ang anomalya sa departamento kasunod ng […]

  • Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction

    Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.   Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.   Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as […]

  • Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

    INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.   Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]