Manny Pacquiao nahalal sa Boxing Hall of Fame
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
NAHALAL sa International Boxing Hall of Fame si Filipino boxing legend Manny Paquiao.
Magiging bahagi siya ngayon ng Hall of Fame class of 2025.
Siya lamang ang mayroong walong weight divisions mula flyweight hanggang superwelterweight.
Taong 2021 ng tuluyang magretiro sa boxing ang Pinoy southpaw boxer matapos ang 72 na laban sa buong career kung saan mayroong 62 ang panalo, walong talo at dalawang draws.
Siya rin ang unang atletang Pinoy na naitampok sa TIME magazine sa listahan ng world’s 100 most influential people noong 2009.
Ikinatuwa naman ng 45-anyos na si Pacquiao ang pagkakapili sa kaniya ng Hall of Fame.
Isang karangalan sa kaniya na dalhin ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo.
-
DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab
MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June. Ang nasabing rekomendasyon […]
-
PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA
LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button. Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]
-
Gunman sa pamamaslang sa registration chief ng LTO, arestado
ARESTADO na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa madugong pamamaslang sa isang opisyal ng Land Transportation Office sa Quezon City. Sa ngayon ay tumanggi munang magbigay ng dagdag pang mga impormasyon si Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. ngunit kasalukuyan na aniyang hinihintay na […]