Manuel diretso sa Smbeer kapalit ni Santos
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa man niya naisusuot ang uniporme ng NorthPort ay muling nai-trade si veteran power forward Vic Manuel sa San Miguel kapalit ni one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos.
Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing trade sa pagitan ng Batang Pier at Beermen.
Naunang nahugot ng NorthPort ang 34-anyos na si Manuel kasama si wingman Michael Cali-saan mula sa Phoenix noong Biyernes kapalit nina 2019 top Defensive Player Sean Anthony, sophomore Sean Manganti at isang 2021 second round draft pick.
Dadalhin ng 40-anyos na si Santos, hinirang na PBA MVP noong 2013 at Finals MVP noong 2011 Governors’ Cup at 2015 Philippine Cup, ang kanyang malawak na eksperyensa sa kampo ng Batang Pier.
Ang NorthPort ang ikatlong PBA team ng tubong Angeles City matapos kunin ng Air21 bilang No. 2 overall pick noong 2006 Annual Draft at maglaro para sa Petron Blaze/San Miguel sa loob ng 12 taon.
Bahagi ang dating King Tamaraw ng Far Eastern University ng siyam na PBA titles ng Beermen.
Samantala, makikipag-usap ang PBA sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa gagamiting health and safety protocols sa pagdaraos ng 2021 Governor’s Cup sa huling linggo ng buwan.
“We’ll seek guidance on everything with the safety of everyone remaining the primordial concern of the league,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial. “To further solidify the safety protocols to be crafted, We’ll invite Dr. Raul Canlas to join us in the meeting,” dagdag pa nito sa kanilang pag-imbita sa sikat na orthopedic surgeon at FIBA medical commission member na kinuha ng liga bilang medical consultant.
Plano ng PBA na buksan ang torneo na naglatag ng 6-foot-6 height limit para sa mga imports sa Nobyembre 28 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City matapos ang paglulunsad sa PBA 3×3 sa Nobyembre 20.
-
Ads December 9, 2020
-
Sona barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO
ISINUOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang barong na gawa ng artisans mula Calabarzon at Western Visayas para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (Sona), noong Lunes, Hulyo 22, 2024. “[President Marcos’] Sona barong is a collaborative work of artisans from Lucban, Quezon, Taal, Batangas, and Aklan,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) […]
-
Nakahanda na ang material at nagkausap na sila: VILMA, mukhang matutuloy nang makatrabaho si Direk BRILLANTE
SI Vilma Santos ang artistang nais makatrabaho ni Brillante Mendoza dahil hindi pa naididirek ng batikang direktor sa kanyang mga pelikula. Pero ang magandang balita, dahil aktibo na muli si Vilma sa paggawa ng pelikula ay nagkaroon na sila ng pag-uusap para sa isang proyekto. “Okay na, mag-aayos na kami ngayon,” pahayag ni Brillante. […]