• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapapanood na ito next month sa TV5: SARAH, grateful na nabigyan uli ng serye na siya ang bida

NEXT month ay mapapanood na sa TV5 ang “Lumuhod Ka sa Lupa” na kung saan bida si Sarah Lahbati kasama sina Sid Lucero, Rhen Escaño at Kiko Estrada.

 

Ang akala raw ni Sarah ay hindi na siya mabibigyan ng acting project kaya ganun na lang ang pasasalamat niya. “Personally it’s not something that I expected would happen in my life. “I am grateful. I don’t think life is perfect for everyone but it’s all about perspective. “Going back again to counting your blessings. How lucky I am,” pahayag pa ni Sarah sa interview sa kanya ng “On Cue” ng ABS-CBN. Pansamantalang nagpahinga si Sarah mula nang nagkaroon ng pamilya.

 

Eleven years old na si Xion ang panganay na anak nila ni Richard Gutierrez at six years old naman ang bunsong si Kai. Naging positibo ang naging pananaw ni Sarah sa buhay at alam niyang ang lahat ay kagustuhan ng nasa Itaas.

 

At ngayong aktibo na ulit si Sarah ay pangarap daw niyang makaganap ng isang role na aksiyon naman ang tema.

 

***

 

ANG Primetime Drama King na si Coco Martin ang isa sa mga unang rumesponde nang mabalitaang may nangyari kay Jaclyn Jose. Nakailang tawag na raw kasi si Coco at ilan sa mga staff sa namayapang aktres kung kaya ganun na lang ang naramdamang kaba ng Kapamilya actor. Sa eulogy naman na ginanap the other day ay maraming pinaluha si Coco sa mga ginawa niyang patotoo tungkol sa mga masasayang pag-alala niya sa mga pinagsamahan nila ni Jaclyn sa “FPJ’s Batang Quiapo”. Hindi pa rin daw alam ni Coco kung anong mangyayari sa karakter ni Jaclyn bilang si Chief Espinas, huh! Pero umugong ngayon na ang anak ng aktres na si Andi Eigenmann ang maaaring ipalit sa character ng namayapang aktres, huh!

 

Isang hepe sa kulungan ang role ni Jaclyn sa “Batang Quiapo” at marami pa raw sanang mangyayari sa karakter ni Jaclyn. At kung magkatotoo ngang si Andi ang kapalit sa role ng ina niya ay madaling gawan naman ng paraan yun ng Dreamscape at ni Coco Martin mismo. Inamin naman ni Coco na may malaking utang na loob daw siya kay Jaclyn. Ang aktres daw kasi ang nangumbinsi kay Coco na pasukin ang mainstream at pag-arte sa telebisyon. Naikuwento pa ng alaga ni Sir Biboy Arboleda ang mga maaaring matatawag na premonition habang nagte-taping sila ng ilang eksena ng “Batang Quiapo.” Sa isang eksena kasi kung saan nagpaalam si Chief Espinas kay Bubbles (Ivana Alawi) ay sobrang iyak daw ng una na parang nagpaalam sa totoo niyang anak na taliwas naman sa ibinigay na instructions. Kung kaya napa-cut ni Direk Coco sa naturang eksena at sinabihan si Jaclyn na bawasan ang pag-iyak. Nagpaliwanag naman si Jaclyn na tila nadala raw siya sa eksena dahil unti-unti na raw nawawala ang mga karakter sa loob ng kulungan.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Heartwarming at medyo kontrobersyal: Sen. IMEE, may espesyal na Christmas vlog na dapat matunghayan

    ITO na talaga ang pinaka-kahanga-hangang panahon ng taon at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog ni Senator Imee Marcos na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na channel sa YouTube ngayong Disyembre 23. Libu-libong Imeenatics at netizens ang humuhula kung ano ang nilalaman nito. Sinasabi ng mga insiders na ang Christmas vlog ay […]

  • Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

    Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.     Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.     Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.     […]

  • Gilas sasalang sa tuneup vs China

    Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa dalawang importanteng tuneup games laban sa powerhouse China bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.     Mismong si Chinese head coach Du Feng ang nagkumpima na mananatili sa Clark ang kanyang bataan matapos ang kampanya nito […]