• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapapanood na rin sa YouTube ang ‘My Plantito’: TikTok series nina KYCH at MICHAEL, mahigit 29.5 million views na

HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Pilipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles.

 

 

Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito na si Miko, mabilis na sumikat ang digital na serye sa mga tagapanood sa buong bansa, na ang 21 episode nito ay mayroon nang 29.5 milyong view sa kasalukuyan.

 

 

Noong una itong ipinalabas, naging paborito kaagad ang serye ng mga fan, dahil itinatanghal nito ang perpektong balanse ng kilig, kwela, at nakatutunaw ng pusong mga sandali hindi lamang sa pagitan nina Charlie at Miko, pati na rin kina Charlie at ang mapagmahal nitong ama na si Janong (Chef Ghaello Salva), at ang tapat nitong best friend na si Bianca (Devi Descartin).

 

 

Dahil dito, masayang inaanunsyo ng Puregold na mapapanood na ang serye sa YouTube na may English subtitles, para mas maabot pa ito ng mga fan sa iba-ibang sulok ng mundo.

 

 

“Alam namin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa ‘My Plantito’ at naririnig namin ang hiling ng mga fan na mas marami pa sana itong maabot,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Manager for Marketing ng Puregold Channel.

 

 

“Ngayong may English subtitles na ang YouTube episodes ng My Plantito, patunay lamang na nakikinig ang Puregold Channel at tumutupad ng pangako. Ngayon, ang mga tagasubaybay mula sa ibang mga bansa ay may oportunidad na matunghayan ang magandang kuwento ng serye.”

 

 

Dagdag sa tagumpay ng kompanya sa industriya ng retail, nangunguna rin ang Puregold sa retailtainment, at kabilang sa mga serye na naipalabas nito ang GVBoysAng Babae sa Likod ng Face MaskAng Lalaki sa Likod ng Profile, at 52 Weeks.

 

 

Mapapanood ang My Plantito na may English subtitles sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold, https://www.youtube.com/@PuregoldChannel.

 

 

Ang YouTube cut ng serye ay mapapanood sa loob ng pitong linggo, at ipinalabas na ang unang episode noong Oktubre 7.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia

    HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo.   Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses […]

  • 4 suspek sa Degamo slay, ‘kakanta

    NAGPAHAYAG ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.     Kamakalawa ay naibiyahe na patungong Maynila ang mga suspek at nakatakdang ipasok ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP).     Unang dinala sa kustodiya ng […]

  • Iskul sa Quezon City ‘tinaniman’ ng 15 bomba

    NABULABOG at nagka­tensiyon sa Batasan National High School sa Barangay Batasan Hills, Quezon City Martes ng umaga nang kumalat ang post sa Facebook page ng paaralan ang umano’y mga nakatanim na bomba na umaabot sa 15.   Kasunod nito, agad na sinuspinde ng pamunuan ng nasabing paaralan ang face-to-face classes upang matiyak na ligtas ang […]