• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

“Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee the elections,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anumang election-related violence na mangyayari sa panahon mga nalalabing buwan ng kanyang administrasyon.

 

 

Nagbabala ang Chief Exective laban sa violent electioneering.

 

 

“Do not do it kasi I will see to it na itong eleksyon na ito ay malinis at walang dayaan, walang patayan sa panahon ko. Maghanap kayo ng ibang presidente. Huwag ninyong gawin sa akin kasi pupuntahan talaga kita,” anito sabay sabing ang mga pulitiko ay hindi dapat gumamit ng karahasan para puwersahang iboto ang mga ito sa eleksyon.

 

 

Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang pagkasagrado ng boto ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“I have a sacred oath, and that sacred oath is not only for friends or enemies but for all Filipinos. Kaya pagdating sa election, tingin ko tabla lahat,” anito.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagiging ‘neutral” ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng halalan.

 

 

Base sa DILG memorandum na may petsang Marso 24, ang mga PNP personnel ay hindi pinapayagan na umakto bilang bodyguards ng political candidates.

 

 

Ide-deploy ang mga police officers sa identified election hotspots para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

 

 

Nauna nang inirekomenda ng PNP na ilagay sa ilalim ng red category ang 100 munisipalidad at 14 lungsod sa buong bansa para sa May 9 elections. (Daris Jose)

Other News
  • 10-day national mourning sa buong bansa idineklara ni PBBM dahil sa pagpanaw ni FVR

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang 10 araw na national day or mourning bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Dahil dito ilalagay ang bandila sa half-mast sa lahat ng mga buildings kasama ang mga installations ng bansa sa ibang bansa.     Batay naman ito sa Proclamation No. […]

  • PBBM maayos ang pakiramdam at kalagayan sa kanyang ikatlong araw na isolation

    MAAYOS ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM.     Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.     Matatandaang hindi nakadalo […]

  • PDu30, pinuri ang DPWH sa Saraiya Bypass Road project

    PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at project partners  nito para sa pagtatapos ng Saraiya Bypass Road  project.     Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang pagpapasinaya sa  Sariaya By-Pass Road Project sa Brgy. Isabang, Lucena City ay sinabi ng Pangulo na ang achievement na ito ay patunay ng “strong commitment” […]