Marami ang gigil at inis na sa kanyang role: KIM, inaming ‘di inakalang magagampanan ang karakter ni ‘Juliana’
- Published on November 10, 2023
- by @peoplesbalita
ITO ang pinatunayan ng netizens, partikular na ang mga tumututok sa seryeng “Linlang” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman at Maricel Soriano.
Sa Twitter, kalat ang mga komento ng gigil at inis kay Juliana, ang karakter na ginagamapan ni Kim na tila ‘di nahihiya sa panloloko niya sa kanyang mister na si Victor (Paulo).
Dagdag pa sa inis ng mga manonood ay ang mismong kapatid ni Victor na si Alexander (JM) ang karelasyon ni Juliana.
Sa Twitter, hindi rin napigil ni Kim ang magbigay reaksiyon sa nakatutuwang post ni Darla Sauler, na nais makita si Juliana sa preso.
Patuloy naman ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga sumusporta at patuloy na tumututok sa “Linlang.”
“Maraming salamat everyone!!! Tuloy lang ang pagnood ng #LinlangOnPrime new episodes every Thursdays. Thank you all for sending your questions! Salamat po!” say ni Kim.
Pag-amin pa niya, hindi rin niya inakala na magagampanan ang isang karakter na tulad ni Juliana.
“Nagulat din ako sa totoo lang. Laking pasasalamat ko sa @DreamscapePH sa mga writers, creatives editors, directors @FMReyes @jojosaguin and sa mga co actors ko,” sabi pa ni Kim.
Mapapanood ang “Linlang” eksklusibo sa Prime Video na may mga bagong episodes na inilalabas tuwing Huwebes.
***
KINUWENTO ni Shaira Diaz na bata pa lang siya ay madalas na raw siyang dalawin ng mga kakaibang nilalang sa kaniyang panaginip.
Hanggang sa kanyang paglaki, dala-dala niya ito pero tila mas tumindi gaya nang nangyari noon sa taping ng “Lolong.”
“Noong bata talaga ako, weird pero laging about sa mga demonyo, mga witch ‘yung mga panaginip ko, mga patayan. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nag-i-sleep paralysis,” kuwento ng Sparkle star sa nakaraang episode ng “AHA!”
Hanggang sa nadala na ni Shaira ang mga paranormal na karanasan maging sa kanyang pagtanda.
Isang beses noong nasa gubat ang lokasyon ng lock-in taping nila para sa “Lolong,” nakaranas din ng kababalaghan si Shaira.
Sa kinukunan nilang eksena sa isang liblib na lugar, kailangang sumigaw ni Shaira na parang galit. Dahil dito, tila sumagot sa kanyang panaginip ang isang elemento.
“Kinagabihan na ‘yun, binangungot ako, may sumisigaw din sa akin parang entity siya na black na mabuhok. Sumisigaw siya, ‘yung sigaw niya ‘Aaahh!’ as in galit talaga. Tapos sinasakal ako. First time kong makita na may entity” ani Shaira.
Magmula nito, lagi nang nagpapvaramdam ang elemento umano kay Shaira sa set ng “Lolong.”
Dahil dito, naglakas-loob si Shaira na kausapin ang kanyang “secret stalker,” at sinabi ritong maniniwala siya kung mababasa rin pati ang kanyang kumot at unan.
Hanggang sa may maramdaman siyang malamig at may tumutulo sa kanyang braso.
“‘Huh paano nangyari ‘yun? Tsinek ko ‘yung ilalim, walang kahit na anong basa, tubig doon. Hindi siya tulo sa itaas. Sabi ko ‘Oh my gosh positive nga.’ Doon ako na-convince na meron nga!” sabi ni Shaira.
Dahil dito, iniulat na ni Shaira sa production ang tungkol sa kaniyang nararamdaman, at tiyempo namang albularyo ang tiyuhin ni Rochelle Pangilinan.
“May nakita nga siya, sabi niya water element, isang entity na black na maliit na mabuhok,” kuwento niya.
Paliwanag ng anthropologist na si Nestor Castro, ang ‘Undin’ ay isang maliit na mukhang tao, at basa-basa.
“Mga water nymphs na matatagpuan sa mga lawa. Sila ay maliliit na mga nilalang na tagapagbantay sa ating mga lawa at nangingitlog sila roon. Kapag nasira mo ang kanilang tahanan o kaya nabasag mo ang kanilang mga itlog, sila’y naghihiganti,” sabi ni Castro.
“Feeling ko sumunod siya sa kuwarto ko,” sabi naman ni Shaira.
Alamin ang paliwanag ng isang faith healer kung bakit lapitin si Shaira ng mga elemento umano, at ang isinagawa niyang rituwal para lubayan na ang aktres
***
KINASAL na ang Fil-American TV and film comedian na si Nico Santos sa kanyang fiance na Survivor contestant at transman na si Zeke Smith.
Naganap ang kanilang wedding sa Parker Hotel in Palm Springs, California. Na-engaged sila noong 2022 sa GLAAD Media Awards at the Beverly Hills Hotel.
Ilan sa mga dumalo sa wedding ay ang mga co-stars ni Nico sa hit comedy series na Superstore na sina Ben Feldman, Colton Dunn, Nichole Sakura, Jon Barinholtz, Kaliko Kauahi, Irene White, Lauren Ash, at ang show creator na si Justin Spitzer.
Mga nakasabay na contestants ni Zeke sa reality competition show na Survivor na sina Hannah Shapiro and Bret LaBelle ang nakarating.
Ang theme ng wedding ay “Cheeky Tiki Kiki Party” at para sa kanilang “minimoon”, pupunta sila sa Joshua Tree Nation Park. Ang legit honeymoon nila ay next year na sa Italy.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Davao City, isasailalim sa MECQ simula Hunyo 5
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Hunyo 3, 2021, na isailalim ang Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021. Bukod dito, inaprubahan din ng IATF ang General Community Quarantine status ng General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30, 2021. […]
-
Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup
Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]
-
BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy
Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente. Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM […]