• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami ang kinikilig dahil visible na naman sa mga social media: Sen. CHIZ at HEART, dinaig pa ang ibang loveteams

DAIG pa talaga ng mag-asawang sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ibang mga loveteams ngayon.

 

Since naging sila, talagang sinubaybayan na ng mga netizens ang kanilang love story.

 

Ang daming invested sa relasyon nila, lalo na at alam kung paano pinaglaban ng dalawa ang kanilang relasyon na nauwi sa kasalan.

 

 

Kaya no’ng last year na mapabalitang may problema at hiwalay na ang dalawa, marami talaga ang nalungkot at umasang maayos pa nila.

 

 

True enough, ang daming sumaya na kasabay ng Bagong Taon, after na wala talaga silang mention or any post about them, mag-post si Heart na magkasama na sila with Senator Chiz’ twins.

 

 

 

At ngayon nga, mas marami ang kinikilig sa kanila dahil tulad dati, visible na silang muli sa kanilang mga social media.  Nag-tweet si Senator Chiz ng picture ng isa sa mga luggage ni Heart pero nakahiga ang alagang aso ni Heart na si Shuti.

 

 

 

Shinare ng Senator ang picture at saka nag-tweet na, “All my bags are packed, I’m ready to go…” Sama daw si Shuti sayo @heart021485 hahaha.”

 

 

 

At dahil matagal din na walang ganitong interaksiyon sa pagitan ng dalawa, mababasa sa mga comments ang hatid na good vibes nito, lalo na sa mga fans at followers nila. ‘Yung na-happy talaga dahil instead na hiwalayan na talaga, nabuo at nagkabalikan pa sila.

 

 

 

At sa Valentine’s Day ay birthday na ni Heart, siguradong marami ang maghihintay ng magiging selebrasyon nilang dalawa.

 

ALL is well na nga sa pagitan nina Sofia Andres at Daniel Miranda. 

 

 

Natuwa ang mga fan nila nang finally, mag-post na si Sofia na kasama si Daniel.

 

 

Kung matatandaan, nagsimulang ma-intriga na may problema ang pagsasama nilang dalawa o hiwalay na sila dahil biglang hindi na visible si Daniel sa mga Instagram post ni Sofia.  Bukod sa noong Holidays ay hindi sila magkasama.

 

Si Daniel ang nag-post na mukhang nagka-ayos na sila. Between the two of them, mas vocal si Daniel na namimiss niya ito at mahal niya si Sofia.  At kahit na ang mga photos na pinost ng actress ay hindi pa kitang-kita ang mukha ni Daniel, gets na agad ng lahat na magkasama sila.

 

At kinilig din ang mga fan sa caption niya na, “Happy day.”

 

Base sa comments sa IG  ni Sofia, may naka-spotted din daw sa dalawa sa SM Aura na magkasama kaya masasabing all is well na nga sa kanila.

 

At ang iba pang comments, “Reunited my fave couple.”

 

 

“Happy day na rin kami.”

 

 

“So happy for you, tagal ko ‘tong hinintay.”

 

 

***

 

 

ANG bongga talaga ng GMA primetime series na “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Na-anunsiyo na ang pagtatapos nitong talaga ay sa February 17 na.

 

 

Pero may nakapagsabi sa amin na mai-extend pa ito ng isang Linggo. Kaya sa halip na isang Linggo na lang sana mapapanood ang hit serye na ito, hanggang sa February 24 pa raw ang finale episode.

 

 

Siyempre, ikatutuwa ito ng mga fan ng MCI. Lalo na ang mga fan ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco. Na in fairness, sa chemistry na meron sila at sa husay nilang magpakilig, kung hindi lang alam ng lahat na super in-love si Barbie sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto, pwedeng isiping nagkaka-develop-an na ang dalawa, huh.

 

Kaya ang ‘Mga Lihim ni Urduja’, malamang na ma-delay naman ng one week.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha

    KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.   Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.   Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House […]

  • Jake Gyllenhaal’s New Comic Book Movie Role, More Exciting Than Returning As ‘Mysterio’

    JAKE Gyllenhaal has a new comic book movie role thanks to Prophet, and it is a more exciting project for him than returning as Mysterio.      Gyllenhaal finally made the jump to superhero movies in 2019 by playing Quentin Beck a.k.a. Mysterio in Spider-Man: Far From Home. He turned in an excellent performance as the villain […]

  • Natatakpan ng mga bubbles ang private parts: HERLENE, pinakita uli ang alindog habang nasa loob ng jacuzzi

    PABULA ang unang Instagram post ni Herlene “Hipon Girl” Budol para sa bagong taon na 2024.     Alindog ang pinakita ni Herlene habang nasa loob siya ng isang jacuzzi. Natakpan ng mga bubbles ang maseselang parte ng katawan ni Herlene habang nagpo-pose ito. Pero may suot naman siyang red bikini bottom.     Nilagyan niya […]