Marami pang ‘di maka-move on na nalaglag sa Top 5: Pinupuring black evening gown ni MICHELLE, tribute kay Apo Whang-Od
- Published on November 22, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG tribute nga ni Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee kay Apo Whang-Od ang sinuot niyang evening gown sa 72nd Miss Universe in El Salvador.
Nirampa ni Dee ang sheer nude evening gown na napapalibutan ng black jewels. Inspirasyon ng kanyang gown ay ang tinaguriang “last and oldest mambabatok of the Kalinga ethnic group” na si Apo Whang-Od.
Dinesenyo ni Mark Bumgarner ang naturang gown na nagpapakita ng rich cultural heritage nating mga Pinoy.
Post ni Michelle sa Instagram: “A tribute to a legendary Filipina who has become an icon, preserving the rich cultural heritage of indigenous tattoo art. She has achieved global recognition and symbolizes timeless beauty, coinciding with Miss Universe lifting its age restrictions, championing inclusivity and challenging age stereotypes. A true icon and the last of her kind, a symbol of bravery, beauty, and inclusivity…Whang-Od.”
Si Apo Whang-Od ay si Maria Oggay, isang tattoo artist from the village of Buscalan within Tinglayan, Kalinga, Philippines. Parte siya ng Butbut people of the larger Kalinga ethnic group.
Nagsimulang mag-tattoo si Whang-Od sa edad na 15. Mga Butbut headhunters and women ang kanyang tina-tattoo-an. Pinagpatuloy niya ito ngayon para sa mga bumibisitang turista sa Buscalan.
Noong April 2023, sa edad na 106, naging “oldest person to ever be on the cover of Vogue si Whang-Od.
Samantala, ilang araw na ang nakalipas nang koronahan ang bagong Miss Universe na si Sheynnis Palacios, na gumawa ng history dahil siya ang unang beauty queen mula Nicaragua na nakapag-uwi ng korona, marami pa rin ang hindi maka-move on sa pagkalaglag ni Michelle sa Top 5.
Marami kasi ang naniniwala na deserving niyang mapasama sa Top 5, at may lumabas pa ngang nagkaroon ng ‘cooking show’ kaya siya naligwak.
Pero ganun pa man, proud na proud pa rin ang mga Pinoy dahil nakaabot naman siya sa Top 10 at malaking achievement na ‘yun.
***
TULOY pa rin si Oprah Winfrey sa kanyang annual Oprah’s Favorite Things
Nilabas sa website na Oprah Daily ang 112 items na pasok sa 2023 list ni Oprah’s ngayong holiday season.
“With so much happening, it makes sense that we want to celebrate with friends, family, the whole community of people we hold in our heart all year long. So we’ve looked across the country to find just the right gifts for the people you love, adore, and thank heaven for,” sey ni Oprah.
Kapag nag-shop ang kahit sino sa Oprah Daily, tutulong ka sa pagsuporta sa BIPOC-(Black, Indigenous, and People of Color) at sa ilang veteran-founded companies.
For Oprah’s full list of favorite things, visit OprahDaily.com.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro
BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang. Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]
-
Durant, USA basketball team sa Olympics binubuo ng NBA stars
Halos kompleto na ang bubuo ng USA Basketball team na sasabak sa Tokyo Olympics. Ang national team ay kinabibilangan ng mga NBA superstars. Kabilang sa umano sa nagbigay na ng kumpirmasyon ay sina Chicago Bulls guard Zach LaVine at si Detroit Pistons forward Jerami Grant. Gayunman ang Brooklyn Nets superstar […]
-
Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes
KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka. Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon. Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental […]