• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’

MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano. 

 

Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries sa pamamagitan ng Prime Video noong nakaraang taon.

 

 

“Nakanganga ako noon, ‘yung tulala. Siya nga ba? Sabi ko, ‘Totoo ba ito o chika-chika lang tayo?’ Pero totoo raw kaya sabi ko, ‘Ay ang ganda naman nang nangyari,” pahayag ni Marya.

 

 

Excited  na rin siya na maipapalabas na ang teleserye version ng “Linlang” kung saan nakilala ang kanyang karakter na si Amelia, ang ina ng magkapatid na sina Victor (Avelino) at Alex (de Guzman).

 

 

“Kasi sigurado iba ‘yung dito sa (teleserye version), iba ‘yung sa kanila (sa Prime Video) kasi isang oras ‘yon eh. At saka may araw lang, dito everyday mapapanood,” say pa ni Soriano.

 

 

“Yung turn-about ng mga pangyayari talagang si God lang ang pwedeng makaalam lang noon. Kaya gulatan factor ‘yung nangyari sa amin, nagkagulatan,” dagdag pa ng aktres.

 

 

Isa sa mga hindi makakalimutan at nag-viral na eksena sa “Linlang” ay ang “iconic sampal” ni Marya kay Kim, na isang pangarap na natupad, kaya ito ang favorite scene niya.

 

 

Inamin ni Kim, tatlong beses siyang pinagsasampal ni Maricel sa isang eksena.

 

 

“Three takes yun, rehearsal, tapos blocking, take take. Aray!

 

 

“Kaya gusto ko ring magpasalamat kay Inay, kasi gusto talaga niyang lumabas ang totoong aray. And I think, naramdaman din ng audience yung totoong sakit,” kuwento ni Kim.

 

 

Nag-usap naman daw sina Maricel at Kim para magawa ng tama ang intense scene.

 

 

Say pa ni Maricel, “kung hindi naman nakisama si Kim, at hindi niya alam ang gagawin niya, hindi naman magiging maganda yun.”

 

 

Marami pa ngang aabangan sa teleserye version ng “Linlang” na siguradong magugustuhan ng mga manonood, dahil nasa 60% pa ang hindi naipalabas sa Prime Video.

 

 

Kaya sigurado silang magugustuhan ito ng televiewers.

 

 

“Positive ako na mas magugustuhan niyo ito. Kung nagustuhan niyo ‘yung doon sa ibang bansa maganda ‘yon pero iba naman tayong mga Pinoy, hindi ba? So sa tingin ko mas maiiyak kayo rito,” dagdag pa ni Maricel na ibinuking na mayroon pang makakatikim ng sampal niya sa teleserye version ng “Linlang.”

 

 

At masasagot na rin ang mga katanungan tungkol sa mga characters ng serye, tulad na lang ng role ni Kim bilang Juliana na labis na kinamuhian.

 

 

“Yes, mas maiintindihan na nila si Juliana, kung saan siya nanggaling, kung bakit ganun ang naging reaction niya.

 

 

“Kung bakit ganun niya kamahal si Alex at kung bakit ganun ang trato niya kay Victor.

 

 

“Actually dito sa teleserye version mas maipapaliwanag ni Juliana ang sarili niya sa lahat ng may galit sa kanya,” esplika pa ni Kim.

 

 

Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Jojo Saguin, kabilang din sa serye sina Ruby Ruiz, Kaila Estrada, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice.

 

 

Mapapanood ang “Linlang: The Teleserye Version” simula na ngayong Lunes, Enero 22 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z at TV5.

Other News
  • Ads August 24, 2022

  • Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE

    MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]

  • ‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate

    NANINIWALA  ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies.     Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng […]