• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami pang maitutulong ang sports

MAY mga kakilala po akong taga-sports,  mga atleta, businessman-sportsman, recreational athletes at iba ang tumutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng may mahigit apat ng quarantine sanhi ng coronavirus disease 2019 pandemic.

 

Nakakausap ko po sila sa social media (socmed) sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakikita sa ilang post sa Instagram, Twitter at FB.

 

Ilan po sa kanila ayaw ng ipabanggit o ipasulat ang kanilang mga ginagawa. Dahil mga kaibigan ko sila. Sumusunod lang po ako.

 

Nakakatuwa naman po dahil totoo sila sa kanilang mga ginagawa. Ang makatulong po sa ating kapuwa na mga nangangailangan sa panahon ng krisis.

 

Hindi naman na po ako nagtataka dahil likas naman talaga sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin lalo na sa oras ng mga kahirapan, kagipitan, trahedya at iba pang mga kalamidad,

 

Nariyan si San Miguel Corporation Vice-Chairman, President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang na siyang may ari ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Chicken sa Philippine Basketball Association (PBA), na nangunguna sa mga good samaritan na higit P13B na ang pinaluwal bilang ayuda sa ating mga kababayan.

 

Si First Pacific Company Limited Managing Director & CEO Manuel V. Pangilinan na nagpapatakbo rin ng North Luzon Expressway, Manila Electric Company at Talk ‘N Text sa nasabing unang propesyonal na liga sa Asia at bansa.

 

Sina cage stars June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Christopher Ross, Arwind Santos, Japeth Aguilar, Lewis Alfred Tenorio, Jean Marc Pingris, Ian Sangalangm Christian Jaymar Perez, Calvin Abueva, Vic Manuel, Beau Belga, Ryan Arana, Kiefer Isaac Ravena, Ferdinand Ravena III, volleyball stars Alyssa Valdez,Julia Melissa Morado at marami pang iba.

 

Ang tingin ko po marami pang mga iaayuda sa ating mga kababayan ang buhat sports sa sandaling matapos din ang lockdown. Aligaga rin kasi ang marami dahil sa limitadong pagkilos lang kaya tinatapos lang muna ang lockdown.

 

***

 

Kung may nais po kayong itanong o gusto po ninyong magkomento, mag-mail lang po sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Manalangin din po tayong lahat na sana’y matapos na po ang pandemiya. Hanggang bukas po uli mga Ka-People’s BALITA.

Other News
  • South Korea nagsimula ng mamahagi ng mga Paxlovid

    SISIMULAN na ng South Korea ang pagbibigay antiviral pill na gawa ng kumpanyang Pfizer para sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.       Mayroong 630,000 pill ang ipapamahagi na sapat lamang sa 21,000 katao.       Ang nasabing mga gamot ay ibinahagi sa nasa 280 na botika at 90 na residential treatment […]

  • Sa category na Outstanding Asian Star: DENNIS, BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa ‘Seoul International Drama Awards 2023’

    MABILIS ang sagot ni Beauty Gonzalez, nang tanungin siya sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” kung ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanyang makatambal si Senator Bong Revilla, sa action-comedy series?     “Kilig at excitement,” nakangiting sagot ni Beauty.     […]

  • Ads June 11, 2022