• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami rin siyang fight scenes sa movie: Aksidenteng ‘butt exposure’ ni DIEGO, ‘di na ginawang big deal

AKSIDENTENG nagkaroon ng butt exposure si Diego Loyzaga sa ‘Pabuya’, na dinirek ni Phil Giordano for Vivamax pero hindi naman ito big deal sa anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

 

Ayon kay Diego, maingat naman daw ang kanilang director sa pagkuha ng mga sexy scenes, which were quite a plenty sa ‘Pabuya’.

 

Parang every 15 minutes ay may sexy scene na ipinalalabas. Pero maganda rin naman ang kwento ng ‘Pabuya’ which is about betrayal. And what can a person do for money.

 

Masalimuot ang kwento nito pero maayos naman itong naipahayag ng director.

Dahil marami siyang fight scenes sa movie, Diego expressed desire na magawa ng isang matinding action film.

 

***

 

AMINADO si Gold Aceron na nahirapaan siyang mag-portray ng bulag character sa latest film niyang Selena’s Gold.

 

“First time ko kasi gumanap ng ganitong klaseng role kaya kahit sa bahay ay sinubukan kong magpraktis maglakad ng nakapikit ang mga mata ko,” kwento ng actor sa recent presscon ng pelikula.

 

“Binasa kong mabuti ang script at inaral ko talaga paano kumilos ang isang bulag. Mas mahirap gawin ang role dahil hindi ko pa ito na-experienced. Sa tenga lang ako dumedepende kung paano ang gagawin.

 

“Challenging ang role kasi di ko alam kung paano ba mag-isip ang bulag. Wala akong idea, unlike sa mga ibang roles na nagawa ko na dati na may idea ako sa character na ginagampanan ko,” dugtong pa ni Gold.

 

Sabi pa ni Gold, sana raw ay naitawid niya ang role na ginampanan niya sa Selena’s Gold.

 

Kasama rin sa cast ng ‘Selena’s Gold’ sina Jay Manalo, Angeli Khang at Soliman Cruz.

 

***

 

NAPAPANAHON ang stage play na “Ward 448” na tumatalakay sa HIV mula sa panulat at direksiyon ni Rodel Mercado.

 

Ayon kay Direk Rodel, na head ng Frontline Productions, gusto niya na mawala ang stigma sa mga HIV victims at magkaroon ng compassion para sa may sakit.

 

Gusto rin niya na makapaghatid ng information about HIV sa mga paaralan.

 

Bida sa play sina Carla Mae, Anna Escobia, at Justine Torralba, Kevin Posadas, Rey Correjado, at seasoned actors Ronnie Martinez at Roeder Camanag.

 

Ayon kay Direk Rodel, natabunan in terms of awareness ng Covid 19 ang HIV kaya kaya dapat na muli itong dapat mapag-usapan. Importante rin na magkaroon ng awareness ang mga bata, lalo na ang teenagers, sa kahalagahan ng sex education at kung ano ba ang dapat malaman sa sakit na HIV.

 

May kaibigan si Direk Rodel na nagkaroon ng HIV. Nakita niya ang struggle nito kaya naging advocacy niya ang HIV awareness. Nais din niya na thru awareness and proper education about HIV ay matanggal ang stigma na ikinakabit sa mga may sakit ng HIV.

 

“Pwede pa rin naman mabuhay ang isang person na nag-positive sa HIV basta ito ay naagapan at nagamot. Pwede pa rin nanan siyang mamuhay as a normal person, just like everybody else, kahit na may HIV siya,” sabi pa ni Direk Rodel.

 

Nang ipalabas raw nila ang play sa isang school ay maganda ang response ng mga bata pero sabi ng mga ito ay eye-opener ang kanilang napanood.

 

Ipalalabas ang “Ward 448” sa RCBC Theater on October 29 and 30 (with 3 pm matinee), at 7 pm.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Suplay ng bigas, sapat hanggang sa susunod na taon- DA

    TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa mga sambayanang filipino na may spaat na suplay ng bigas ang bansa.     Tatagal ito ng hanggang susunod na taon dahil sa  “bumper” harvest sa panahon ng wet season o tag-ulan sa bansa.     Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isinagawang  “Bagong Pilipinas […]

  • VP Leni, tablado sa Malakanyang

    TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga filipino na magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal ng mayroon at kasalukuyan […]

  • Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

    IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).     Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]