• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami siyang natutunan sa nakaraang taon: CARLA, optimistic and looking forward sa mangyayari ngayong 2024

NATANONG si Carla Abellana na bibida sa upcoming murder mystery series na Widows’ War, kung paano niya nakikita ang 2024 sa buhay niya?
Lahad ng Kapuso actress, “I’m optimistic.”
“Hindi ko man ma-envision ang mangyayari, but optiistic ako and I’m looking forward to what’s going to happen this year.”
Samantala, ang pagiging unpredictable ng buhay ang isa sa lessons learned niya sa 2023 na bitbit niya sa 2024.
“You can make plans but at the end of the day, si God pa rin ang in charge. And ‘yung sinasabi ko kanina, hindi assured ‘yung rest of your life,” sabi niya.
“Kumbaga, ang isa sa mga learnings ko from last year, hawakan mo ‘yung bawat opportunity na binibigay sa’yo and namnamin mo, you save each opportunity, each project, each moment because you don’t know what tomorrow brings.”
***
BATA pa lamang pala si Jo Berry ay nais na niyang maging… abogada.
“Mula bata pa ako, gusto ko na maging lawyer, nauna lang na naging role ko siya,” saad ni Jo.
Pero iba ang landas ng kapalaran ni Jo at ngayon ay isa siya sa mga popular na artista ng GMA.
Pero natupad kahit papaano ang pangarap niyang maging lawyer dahil sa upcoming serye niya na ‘Lilet Matias, Attorney-At-Law’ kung saan ang papel niya ay, ano pa ng aba, kundi bilang isang lawyer.
Kuwento ni Jo, “Nung bata ako, hanggang ngayon naman, nasa goal ko pa rin siya, ang original plan is mag-law, pangarap po namin yun ng Papa ko.
“Nung binigay nila sa akin yung role, kasi lagi akong tinatanong, ‘Ano bang dream role mo?’ So, wala akong masagot noon, pero nung binigay sa akin ‘yung role ni Atty. Lilet, naisip ko na, ‘Ay, oo nga, ito ‘yung dream role ko.’
“Literal kasi mula bata pa ako, gusto ko na maging lawyer, tapos ngayon, nauna lang na naging role ko siya.”
Dagdag pa niya, “Feeling ko nakapag-practice muna ako, sabi ni Lord, ‘O, sige, practice ka muna. Ito muna, role muna siya bago totoong buhay.’ Kasi nandoon pa rin, kasama pa rin sa goal ko sa buhay na ituloy ko ‘yung law.
“Pero sa ngayon konting patikim kung paano pala yun.”
Ito ang pinakaunang legalserye ng GMA.
“Since it’s a legal drama nga po, mas professional siya magsalita, unang-una po ‘yun kasi, siyempre, dapat tama talaga, very precise kasi yung mga ginagamit naming terms dito, ginagamit rin sa Pilipinas, so totoong nag-e-exist siya,” ani Jo.
Malapit nang mapanood ang Lilet Matias, Attorney-At-Law sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM

    NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam.       Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa […]

  • Pagpapaliban ng barangay, SK elections, niratipikahan

    NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, na nakatakdang gawin ngayong Disyembre.     Sa inaprubahang bersyon ng Bicam ay sa huling Lunes ng Oktubre 2023 idaraos ang Barangay at SK elections kung saan ang mga mananalo sa naturang eleksyon ay manunungkulan sa […]

  • PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN

    TINIYAK  ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials .     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon  ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan     “Remember that when running the […]