• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming kausap at pinag-aaralan ang mga offers: Pagbabalik sa GMA ni BOY, balitang sure na sure na

BALITANG sure nang magbabalik-GMA si King of Talk na si Boy Abunda. 

 

 

Hindi pa nga lamang sinasagot ni Kuya Boy kung sa anong channel siya. Ayon sa kanya, pupunta muna siya sa USA for some previous commitments there at pagbalik niya, sure nang balik-TV na ulit siya.

 

 

Inamin ni Kuya Boy na gusto na niyang bumalik ulit sa television, after almost three years of the pandemic. Marami raw siyang kausap at pinag-aaralan pa niya ang mga offers.

 

 

Pero definetely, pagbalik niya from the US, mapapanood na natin  siya, live on TV.

 

 

                                                          ***

 

 

CONGRATULATIONS to the Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, sila ang first celebrity contestants ng “The Wall Philippines” na nag-take home ng P 1.9 M last Sunday afternoon.

 

 

On Instagram, the game show host, Billy Crawford, announced that Ysabel and Miguel won over almost P2 million from its initial episode.  In a separate post, Ysabel posted a photo of her with Miguel holding a paper with the cmount that they would be taking home individually, which is P 997.521.

 

 

Para kay Miguel, angel daw niya ang ka-love team sa new drama series nila na “What We Could Be” na nagsimula na ring mapanood last Monday, August 29, sa GMA Telebabad.

 

 

“Kasi po, team kami, ako ang nagbababa ng mga balls, pero si Ysabel ay nasa backstage at siya ang sumasagot ng mga qustions ni Kuya Billy,” kuwento ni Miguel.  “Maling sagot niya ay bawas sa mga scores namin.  Salamat, Ysabel, salamat.”

 

 

Ang “Wall Philippines” is based on America’s “The Wall,” na the contestants answer trivia questions to won cash.  Napapanood ito every Sunday, 3:35PM, sa GMA.-7.

 

 

Meanwhile, kuwento ni Ysabel na nagpasahan daw ang mom niya, Michelle Ortega at stepdad niya, PDEA Deputy Director General, Greg Pimentel, nang mapanood ang pilot episode ng “What We Could Be” kaya nagpasalamat si Ysabel sa kanilang pagiging supportive sa launch niya, ng unang pinagbibidahan niya, bilang isang nurse sa story.

 

 

Kasama rin nila sa cast si Yasser Marta at si Ms. Celeste Legaspi.

 

 

                                                                        ***

 

 

VERY proud ang GMA Network, ngayong ilang days na lamang ay big world premiere na nila ng “Running Man Philippines,” this coming Saturday night, September 3, 7:15PM.

 

 

In fact, full trailer pa lamang nito ay nalampasan na ang over one million views on Facebook and even generated over 1,000 comments – na ibig sabihin na Pinoy Runners and Kapuso viewers are eager to see its world-class first episode.

 

 

During their media conference last Saturday, August 27, si Mikael Daez, aka ‘The Captain’, ay nagkwento ng mga unforgettable experiences nila shooting in South Korea..

 

 

“Na-excite ako nang we rode a special bus, at nalaman kong ito pala ang ginamit sa first few seasons of the original ‘Running Man.’  Kung ano iyong ginamit nila ng first few seasons, yun din mga missions, doon sa bus, sobrang memorable sa amin iyon, na tiyak na babalik-balikan namin.”

 

 

Ang bumubuo ng “Running Man Philippines” ay sina Mikael, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Lexi Gonzales, sa direksyon ni Rico Gutierrez at napapanood every Saturdays and Sundays, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment

    KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo.   Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman […]

  • Pacquiao out, Cusi in bilang PDP-Laban president

    Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi.     Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nagpanumpa kay Cusi.     Nagpalabas naman ng mensahe si Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika upang mag-ensayo para sa nalalapit […]

  • Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

    SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.     Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee […]