Maraming nag-attempt pero walang nagtagumpay: LLOYD, marunong um-exit ‘pag ramdam na ang harassment
- Published on November 25, 2024
- by @peoplesbalita
CRUSH at pantasya siya noon mapa-babae man o bading ang sikat na matinee idol noong Dekada ‘80 si Lloyd Samartino.
Kaya naman sa panayam namin sa kanya, dahil talamak na nangyayari ngayon sa showbiz ang issue ng sexual harassment, hiningan namin si Lloyd ng komento tungkol dito.
At umamin siya na noon pa man ay nangyayari na ito, sa katunayan, siya man ay nagkaroon na rin ng ganitong klase ng karanasan.
Lahad niya, “Well sa totoo lang, I had my share of that when I was starting in the industry, with very big directors pa and producers.
“But anyway, at the time, siyempre pag bago kang artista, hindi mo naman alam ang kalakaran, and you know…
“Fortunately… I mean I thought, because anak ako ng isang batikang singer, I was protected from that, pero hindi rin e, you know.”
Ang ina ni Lloyd ay ang legendary singer/actress na si Carmen Soriano.
Pagpapatuloy pa ni Lloyd, “So I think mas ano ngayon, kasi kami wala namang kami masumbungan noong araw, you know. Wala namang… I mean, in my particular case, wala namang nangyaring masama, kasi marunong naman ako um-exit.
“Pero yung mga inaano ka, kino-corner ka, mga ganyan-ganyan, alam mo na.”
Hanggang saan umabot ang pangha-harass kay Lloyd?
“Well, yung nahalikan yung leeg ko,” bulalas niya, “kasi nalasing yung direktor ko na yun.”
Kaya ang ginawa niya ay, “Sabi ko lang, ‘Mag-CR ako direk, sandali lang.’
“Then I got into my car.
“But like I said, hindi lahat ng batang artista alam mo kung ano’ng gagawin, kasi hindi lang naman sa atin, kahit naman sa US, meron pa ring casting couch, you know.
“I’m sure maraming hindi lang makapagsalita, but I think na tama ‘yan, na dapat ilabas para rin yung mga gustong maging managers ngayon, you know how to protect your stars, at matakot din yung iba sa inyo na because of social media, lalabas ‘yan.”
Tinanong namin si Lloyd kung hindi ba siya nagsumbong noon sa mommy niya?
“Hindi e,” pakli ni Lloyd, “because my mom was so busy, and akala ko naman you know, basta wala lang nangyari sa ‘yo talaga.
“Akala ko palulusutin mo lang kasi ganun ang kalakaran, you know, wala namang nag-explain sa ‘kin na yung puwede kang magreklamo.
“And lalo na in our case, you know, these are very big directors.
“Hindi naman ito yung mga indie-indie directors. These are big directors,” diin ni Lloyd.
Ilan ang nag-attempt sa kanya?
“Many.”
Pinaka-grabe raw iyong hinalikan siya sa leeg.
“Oo, kasi in a party yun, nalasing yung direktor, then hinila ako sa kuwarto, then sabi ko, ‘Direk’, tapos biglang pinagyayakap ka.
“So, maraming mga… you know, wala namang sexual harassment noong araw, e. Ang hina-harass noong araw mga artistang babae kasi karamihan ng direktor noon, mga action-star directors.
“It was much later na marami ng mga more of the gay directors, although I’m not saying all, but these are the ones that have the power, lalo na pag may backers sila na malalaking production houses.
“So pag ikaw sinabihan na, ‘Gusto mo ba talaga makasama sa movie na ito?’
“Siyempre ikaw naman, ‘Of course, direk. Why not?’, ‘Alam mo ganito lang yan’.
“Tapos ganito, ganito, ganito na. Then mag-iisip ka, ‘Ganun? Kailangan iyon?’
“But because I have a little bit of understanding about showbusiness because of my mother, I knew na kaya kong um-exit.
“Kasi hindi lang naman nung nag-showbiz ako, kahit nung nagkukume-commercial ako, kino-corner na rin ng mga casting directors.”
At nakalusot o nakaligtas siya.
“Oo. Meron akong istilo na nakaka-exit ako.
“And you’ve lost some projects because of that, kasi yung iba… it was only nung nagkapangalan na ako talaga na medyo umatras na sila, kasi hindi na puwede dahil may pangalan na.
“Pero unfortunately, lahat dumadaan diyan. It’s still happening.”
Nakausap namin si Lloyd sa grand mediacon ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, JC de Vera at Tom Rodriguez, sa direskyon ni Joel Lamangan.
Produced ito ng BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria at line produced naman ni Dennis Evangelista. Ipapalabas ito sa mga sinehan sa Nobyembre 27.
***
TATAKBONG mayor ng lungsod ng Maynila si Super Mahra Tamondong sa eleksyon sa Mayo 2025.
Mula pagkabata ba may pangarap na niyang maglingkod sa bayan?
Lahad ni Mahra, “Actually, hindi ko pinangarap specifically na maging politician, pinangarap ko lamang po na tumulong.
“Dahil ang panahon po nung ako ay lumalaki, mayroon pong foundation yung aking mga magulang, yung Good Parents for Good Children Foundation.
“At the same time, naging SK [Sangguniang Kabataan] din po ako nung ako po ay bata.
“So dito po nakita ko yung pagtulong ng mga magulang ko po sa ibang tao kahit na wala sila sa pulitika, sabi nga po ni Papa, yung pagtulong natin dahil tayo po ay biniyayaan ng Panginoong Diyos.
“Kaya lang po habang tumatagal, mas minamahal ko po yung ginagawa ng aking mga magulang.
“Akala ko nga po nung una, trabaho po nila yun na magpapa-grocery kami sila sa labas, magme-medical mission kami, dental mission, yun po pala isa palang public service ang pagtulong.
“So doon po nabago yung pananaw ko na kahit na hindi pulitiko ay maaari palang lumabas para makatulong po sa kababayan.”
Pangalawang subok na ni Mahra sa larangan ng pulitika; noong 2022 ay tumakbo siyang konssehla ng ikalimang Distrito ng Maynila sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pasahe sa MRT 3 tiyak na tataas sa darating na taon
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may mangyayaring pagtataas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa darating na unang quarter ng taon. “I understand that MRT 3 fare hike will be presented to the LRTA board next year. I think the LRTA will not be hard up if […]
-
Ads April 22, 2022
-
Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject
TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan. Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]