• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming natuwa na classmate nila si Little John: RAPHAEL, na-miss kaya enjoy na muling mag-face-to-face classes

SIKAT sa kanyang school ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Raphael Landicho.

 

 

 

Sa first day of school ng Kapuso child actor na gumaganap na si Little John Armstrong sa VVL, nagulat ang kanyang mga classmates nang pumasok siya sa classroom.

 

 

 

“Natuwa at nagulat po sila kasi classmate daw nila si Little John. Nanonood daw po sila ng ‘Voltes V: Legacy’ gabi-gabi. Happy po ako kasi mga fan din sila ng show,” sey ni Raphael.

 

 

 

Na-enjoy naman daw ni Raphael ang first time na mag-face-to-face classes ulit after three years dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

 

“Iba rin po kasi yung kasama mo sa isang classroom ang teacher at mga classmate kesa naka-online classes. Na-miss ko po ang magkaroon ng mga bagong friends at yung magkukuwentuhan kayo.”

 

 

 

Marami pa raw ang mga pasabog sa VVL sa nalalapit na pagtatapos nito.

 

 

 

***

 

 

 

SA tagal na palang nag-aartista ni Kiray Celis, ngayon lang siya nakabili ng sarili niyang sasakyan.

 

 

 

Sa pinost na video ni Kiray via Instagram, makikita siyang nasa isang car dealership kunsaan niya binili ang kanyang bagong sasakyan.

 

 

 

“Dream come true! MY FIRST CAR!!! Thank you, Lord!” caption pa niya.

 

 

 

Nasabi naman ni Kiray sa video: “Today ko matutupad ‘yung isa sa pangarap ko. Excited ako kasi matagal ko tong ginusto kaso syempre inuna natin ‘yung kailangan ng family, kailangan ng mga ibang tao.

 

 

 

“And sabi ko, ang pinaka-least na pwede kong matulungan is ‘yung self ko, but this time, I am spoiling myself. I am rewarding my hard work.”

 

 

 

Tama lang naman ang ginawa ni Kiray na inuna niya muna ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago ang sarili niya. Simula nga noong mag-artista si Kiray sa edad na 4, natuto itong mag-ipon ng kanyang mga talent fees at ngayon sa age of social media, kumikita ng malaki si Kiray sa kanyang YouTube channel.

 

 

 

Tuwing birthday ng parents niya, may pasabog ito parati na regalo. Tulad sa mga nakaraang birthday ng tatay niya, niregaluhan niya ito ng P62,000 at P63,000.

 

 

 

Sa kanyang nanay naman, niregaluhan nito ng lechon na ang laman ay P56,000. Noong nakaraang April, isang milyong piso in cash ang niregalo nito sa nanay niya.

 

 

 

Ngayon at nasa maayos na pamumuhay na ang pamilya ni Kiray, dasurv na niyang gastusan ang sarili niya at isang brand new car ang napili niya na matagal na niyang pinapangarap na bilhin.

 

 

 

***

 

 

 

TWO years na raw ang relasyon nila Zendaya at Tom Holland simula noon magkasama sila sa pelikulang Spiderman.

 

 

 

Pero mas gusto raw sana ni Zendaya na mas pribado pa ang relasyon nila.

 

 

 

Sey ng two-time Emmy Award winner: “Parts of my life, I accept, are going to be public. I can’t not be a person and live my life and love the person I love. But also, I do have control over what I choose to share. It’s about protecting the peace and letting things be your own but also not being afraid to exist. You can’t hide. That’s not fun, either. I am navigating it more than ever now.”

 

 

 

Malaking challenge daw para sa kanila ni Tom na magkaroon ng relasyon lalo na’t parati silang nakukunan ng photo at mabilis na napagpipistahan sa social media. Minsan daw ay pinapasyal niya ang kanyang pet dog sa Italy at alam niyang may mga kumuha ng photos.

 

 

 

“I had this idea of, like, I can walk around Venice. No, I can’t. I had to pick up his poo, and I was like, Lord, please, don’t take a picture of me picking up my dog’s sh*t. There’s a picture of me holding the bag, but thankfully they spared the grabbing and the putting it in the bag part,” tawa pa niya.

 

 

 

Mapapanood si Zendaya sa upcoming film na ‘Challengers’ kunsaan kasama niya sina Mike Faist and Josh O’Connor.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, nangako na paiigtingin ang pagsisikap na tiyakin ang ‘proactive farming” sa bansa

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paiigtingin ng pamahalaan ang pagsisikap nito na tiyakin ang ‘proactive farming’ sa bansa.     Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati na binasa ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa idinaos na ika-51 taong anibersaryo ng National Food Authority.     “I share […]

  • Presidential Adviser for Creative Communication Paul Soriano, 3 opisyal ng Comelec, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM

    OPISYAL nang nanumpa ngayon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktor at film producer na si Paul Soriano na itinalaga  bilang Presidential Adviser for Creative Communication.     Kasama ni Soriano ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano.     HIndi naman lingid sa kaalaman […]

  • Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd

    Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget. Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado. “By next year meron naman pong salary increase. Ito […]