• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming natuwa sa post ni Camille: HEART, balik-Pinas na at hinihintay kung magkikita sila ni Sen. CHIZ

MARAMING nagulat nang mag-post si Kapuso actress Camille Prats ng photo nila ni Kapuso actress at fashionista na si Heart Evangelita.  

 

 

Natuwa ang mga fans ni Heart at umani ng maraming likes, sa post ni Camille na magkasama sila sa loob ng dressing room ng GMA Network, with a caption “nice bumping into you @iamhearte always looking so lovely my Missy!” na sinagot ni Heart ng “Love you cammmiiillleee!” with a heart emoji.

 

 

Matatandaang nagkasama sina Heart at Camille sa show nila noon na “G-MIK.”  At parang hindi raw sila tumatanda.

 

 

Pero ang tanong pa rin ng mga netizens, bumalik na ba sa bansa si Heart, sa kabila ng balitang bumili na siya ng apartment sa Paris dahil gusto na niyang mag-stay doon, since naroon ang kanyang work.

 

 

But ang pinakahihintay ng mga fans, kung na-miss na raw ni Heart si Senator Chiz Escudero kaya bigla siyang bumalik ng bansa?

 

 

Wala namang post si Heart sa kanyang social media accounts na pahiwatig man lang kung bakit bumalik siya ng Pilipinas.

 

 

                                                            ***

 

 

MISS na miss na ng kanyang mga fans si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at nagtatanong sila kung kailan daw kaya siya gagawa ng isang teleserye.

 

 

Kaya nagpapasalamat sila na tuluy-tuloy pa rin ang mga endorsements nito, kaya halos everyday, may nila-like sila sa mga posts nito sa kanyang social media accounts, lalo na at napakasipag naman nitong mag-post ng mga ginagawa niya at ganoon din ng asawang si Dingdong Dantes at mga anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Katatapos nga lamang mag-celebrate si Marian at ang kanyang OFW documentaries na “Tadhana,” ng kanilang fifth anniversary last Saturday, sa GMA-7 at patuloy pa rin silang gumagawa ng mas magagandang episodes sa mga susunod na Sabado, at 3:20 PM.

 

 

At latest nga ni Marian, ay ang pagri-renew niya for the third year, ng mga products ng Tough Mama held at Hyatt Hotel sa BGC, with the executives of Triple A, sina Direk Mike Tuviera at Jacqui Cara.

 

 

Congratulations!

 

 

                                                            ***

 

 

KUNG nami-miss na ng mga fans niya si Marian Rivera na gumawa ng sariling show, happy naman ang mga fans ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil tuluy-tuloy ang successful niyang game show, ang “Family Feud.”

 

 

In fact, may magandang balita si Dingdong which he posted in his Instagram:  “Sharing good vibes lang dahil extended hanggang next year ang @familyfeudph.”  Yes, hanggang sa 2023 pa raw mapapanood ang game show, kaya tinawag na si Dingdong na ‘Game Master’

 

 

May comment ang netizens: “Congrats to the Family Feud PH Team, more shows, more jackets!”  Saan daw kaya dinadala ni Dingdong ang mga jackets niyang isinusuot sa show, na napansin nilang hindi siya nag-uulit ng pagsusuot ng jacket Mondays to Fridays.since nagsimula siyang mag-host ng show.  Isa pang comment: “Congrats @dongdantes at sa FF-team.  Tuloy ang happiness namin.  We so love your show kasi nakakahasa ng brain cells namin in answering the survey questions, nakakaalis ng stress!”

 

 

Ang “Family Feud” ay napapanood Mondays to Fridays, 5:40PM sa GMA-7.

 

 

                                                         ***

 

 

NASA second lock-in taping na pala ang upcoming GMA Afternoon Prime series na “Underage” na ginagampanan ng mga Sparkle teen actress Elijah Alejo, Hailey Mendez at Lexi Gonzales, as the Serrano sisters na sina Celine, Chynna, at Carrie.

 

 

Makakasama nila ang mga heartthrobs na sina Gil Cuerva at Vince Crisostomo at bubuo rin sa cast sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez at Jome Silayan.  May special participation naman sina Smokey Manaloto at Nikki Co.

 

 

Matatandaan na ang unang “Underage” ng Regal Films ay ginawa noong 1980, starring Dina Bonnevie, Maricel Soriano at Snooky Serna, with Gabby Concepcion, at dinirek ni Joey Gosiengfiao.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Galit na galit dahil sa pang-iiwan daw kay Enrique: LlZA, winarningan ang netizen na nag-wish na may masamang mangyari sa kanilang pamilya

    HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang isang basher na kung saan nagwi-wish na may mangyaring masama sa kanya, pati na sa kanyang kapatid at ama.       Nagbabala si Liza sa netizen na dapat ay maging careful ito sa sinasabi sa ibang tao.       Sumagot nga si Liza sa isang fake account […]

  • DepEd, bumuo ng Election Task Force

    BUMUO  ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon.     Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9.     Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa […]

  • Eerie Revelation: ‘The First Omen’ Trailer and Poster Unveiled!

    GET a glimpse of 20th Century Studios’ ‘The First Omen’, a prequel to the iconic horror series. Set for an exclusive April 2024 cinema release, this psychological horror promises to chill and thrill. Starring Nell Tiger Free and more, directed by Arkasha Stevenson. April 2024 will mark the return of a horror legend to the […]