Maraming netizens ang naka-relate sa nangyari: AIKO, naimbyerna sa isang airline dahil nasira ang mamahaling maleta
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
NA-IMBYERNA si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa isang airline company after na masira ang expensive luggage nang pumunta sila Taiwan.
Ipinost ng aktres sa kanyang Facebook account last February 1 ang labis na pagkadismaya niya sa kilalang airline kasama ang photos ng nasirang maleta.
Caption ni Aiko, “Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care.
“It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong. Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this be damaged “#disappointed”.
Kuwento pa ni Aiko sa kaibigan na nagtanong sa nangyari, “i just arrived in Taiwan.. and when our luggage got out of the carousel ganyan na bro. Tapos we were looking for a counter na we can report this, walang counter [sad emoji] i recieved a message from IG bro they said i should have filed a complaint? How bro eh wala tao and ung isang kausap namen di marunong mag english.”
Agad namang nag-reply ang naturang airline sa reklamo ng mahusay at premyadong aktres.
“Hi, Aiko. We are truly sorry for the inconvenience that this has caused. We understand how important your baggage is. We have noted that you have also reached out to us via Instagram. We assure you that we are looking into this matter and we’ll get back to you with updates via direct message. Thank you.”
Sa ngayon ay aabangan ng mga marites kung magkakaroon nang agarang solusyon sa naging problema ni Aiko at katulad ng dati, maraming opinyon ang mga netizens sa naturang masaklap na pangyayari na naranasan din nila pagsakay sa PAL:
“Pag artista agad agad. Pero pag normal na tao goodluck mga te!”
“Totoo ka dyan, lalo na sa ticket refund Nung 2020 para kailangan lumuha ka ng dugo para lang ma refund yung ticket oh Loko nakatikim sila ng reported as fraud Ehdi refunded agad after non Sabi ko sa sarili ko hinding Hindi na ako sasakay sa Philippine airlines sorry not very sorry,”
“2 samsonite luggage ko damaged din. Sa NAIA yan.”
“Nabasagan na din ako ng maleta kaso slapsoil lang ako kaya di na nagreklamo at wala naman mangyayari. Sadly ganon tlg sa airport binabato mga bagahe.”
“Same may maleta ako nawalan ng gulong pero knowing wala naman paki ang handlers, sorry nalang ako. Pero grateful parin Baks dahil di nawalan ng gamit ok na ung maleta ang masira.”
“Tinatapon lang naman kasi yung luggages lalo na kung tamad yung nagtatrabaho. At madali din buksan yan gamit ang ballpen.”
“I will never ride PAL again. Okay na magbayad ng mas mahal (minsan nga cheaper pa) sa ibang airline kesa sakit sa ulo aabutin mo sa PAL.”
“Si panlasang pinoy vlogger din, nanakawan, binuksan mga maleta. Hayyyss.”
“Rimowa has a lifetime warranty. Bring it to Rimowa for repair.”
“Yan ang problema ng sobrang mahal na luggage at talagang wala silang pakialam. Kahit lagyan pa yan ng wrap o cover basta ihahagis nila magkakaroon pa din ng dent or yung wheels ang masira.”
“Kaya nakakapanghinayang bumili ng mahal ng luggage, binabalahura lang sa airport e.”
“Nope, Aiko. You are wrong. Airlines never handle the luggages with care, ever. Hagis dito hagis duon sila literal. And that’s why Rimowa made heavy duty luggages bec they know how airlines handle luggages. Rimowa also offers service where they can fix your luggage at your hotel. Just take advantage of that service. And dont fly PAL, one of the worst airlines and customer service. They business class is no class compared to other carriers.”
“Kung ako yan sugurin ko airport. Magkademandahan na. Ayoko binababoy ang gamit ko
“Alam ko lifetime warranty ang rimowa. Basta dlhn lng either papalitan or irerepair. Basta may record na ikaw ang bumili
“Yes! Travel insurance is a must if you are frequent traveler.”
“You can always ask the airlines to replace the luggage if broken.”
“Asa ka sa PAL. Worst customer service ever.”
‘If you have travel insurance you can claim”
“Wala din siguro sa brand yan, yung luggage ko hindi naman kamahalan Pero nakaka survive from seattle to manila. So far tuwing nagbabakasyon ako wala pa naman nangyayaring ganyan.”
“Madami pa ba nawawalan sa NAIA? I watched a vlog ng isang Pinoy ang dami nawala sa gamit nila last December. Nakakatakot na tuloy umuwi. Ano kayang safest solution sa luggages para di nakawan?”
“i remember may news din dati kay Korina Sanchez naman imagine LV luggages niya na-slash!!! PAL din yun.”
“Incidents like this makes me stick to my belief na expensive luggage pang hand carry lang unless you don’t mind na masira sya.”
“I used to worked at abu dhabi airport and i remember we had a vip carrying LV luggage as in like 5 pcs. Pag dating sa ramp nakalagay lang sa floor ang mga bagahe katabi pa ng basa na tubig. My point is wala namang paki yang mga handlers kesyo mahal ang luggage mo o hindi. Yung work nila is to ensure na maload yung bagahe mo.”
(ROHN ROMULO)
-
Ang Korapsyon sa ating bayan
Ang isyu ng korapsyon sa ating bayan ay pumutok matapos ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na umano’y triple ang korapsyon na nagaganap sa ating bayan. Agad naman itong sinagot ng ating pamahalaan ng pangalanan ang mga sangaay ng pamahalaan na sangkot sa korapsiyon at agad itong bibigyan ng aksiyon. Makalipas ang ilang […]
-
Lady Gaga Becomes Harley Quinn in gripping ‘Joker: Folie à Deux’ fan trailer
A tense Joker: Folie à Deux fan trailer spotlights Lady Gaga’s transformation into Harley Quinn. Joker: Folie à Deux‘s cast will once again be led by the Oscar winner Joaquin Phoenix as the Clown Prince of Crime, with the DC sequel seeing Gaga join the franchise as none other than Harley Quinn. While Margot Robbie played […]
-
Panawagan ni PBBM sa Pag-IBIG, gawing mas ‘accessible’ ang ‘home loans’
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na gawing mas accessible sa mga Filipino ang kanilang home mortgage financing upang matugunan ang housing backlog sa bansa. Sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023 sa Pasay City, binati ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund para sa record-high […]