Maraming sasaguting isyu sa ‘The Cheating Game’: Romcom movie nina JULIE ANNE at RAYVER, mapapanood na sa Netflix Worldwide
- Published on October 21, 2023
- by @peoplesbalita
PAANO na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga?
Sasagutin ang mga ito sa ‘The Cheating Game,’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26.
‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal,’ ang pelikula ay isang romantic drama na magpapakita ng mature, relatable, at realistic side sa pakikipag-date sa panahon ngayon.
Sa kwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.
Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kumpanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.
Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang ‘perfect guy’ at malayung-malayo sa kaniyang ex. Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.
Makakasama nina Julie at Rayver sa “The Cheating Game” sina Martin Del Rosario bilang Brian Villogo; Winwyn Marquez bilang Vanessa; Yayo Aguila bilang Faith Celestial; Candy Pangilinan bilang Tita Gelly; Phi Palmos bilang Joi Celestial; Thea Tolentino bilang Natalie; at Paolo Contis bilang Mister Y.
Mapapanood din sa pelikula sina Chef Jose Sarasola, Charm Aranton, Charlize Ruth Reyes, Rocelyn Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Ida Sabido, Evan Tan, Roi Oriondo, Bernadette Anne Morales, Felds Cabagting, at Iman Manoguid.
Unang pelikula sa ilalim ng GMA Public Affairs, ang ‘The Cheating Game’ ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol (“Cuddle Weather,” “Mata Tapang,” at “Quaranthings”). Batay ito sa orihinal na konsepto ni Peabody award-winning documentary writer at producer Shao Masula, at co-written ito ni Jessie Villabrille na head writer din ng ilan sa mga sikat na GMA primetime series.
(ROHN ROMULO)
-
US$600-M inutang ng gobyerno para palakasin ang agri at fisheries sector
NASA US$600 million ang inutang ng gobyerno sa World bank na gagamiting pangtustos sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up na layong baguhin ang agrikultura para sa isang moderno at industrialized sector sa pamamagitan ng public infrastructure intervention at palawakin ang commodity value chain. Ang PRDP Scale-Up ay proyekto ng Department of Agriculture […]
-
Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day
MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning. Nakuha ngang magpakilig ang […]
-
COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA
NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron. Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng […]