Marawi City, babangon sa ilalim ng termino ni PDu30
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
“Ang pangako ni President babangon muli ang Marawi sa kanyang termino. The target can be met.”
Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos na mawasak ang Marawi City noong 2017 nang magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute terrorist group.
Muli itong ibabangon ng Pangulo sa ilalim ng kanyang termino.
Apat na taon matapos ang madugong five-month siege, nagpahayag ng kumpiyansa si Presidential Spokesperson Harry Roque na mami-meet ang target ng pamahalaan na tuluyan itong maibangon.
“The rehabilitation and repair of Marawi City will be completed at the end of the term of the President,” ayon kay Sec. Roque.
Magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Sa kabilang dako, tinitingnan naman ng gobyerno na makapag-prisinta ng report hinggil sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng Marawi City sa susunod na buwan.
Gayunpaman, hindi naman masabi ni Sec. Roque kung susuportahan ng Malakanyang ang panukalang Marawi Compensation bill na naglalayong “grant remuneration for residents who were affected by the Maute siege.”
“I haven’t seen the bill, but that would really depend how much funding will be needed for that,” ayon kay Sec.Roque.
Samantala, iginiit naman ni Sec. Roque, na naglaan ang pamahalaan ng sapat na resources para makabangon ang Marawi City.
“Bilyon bilyon na po ang ginagastos ng gobyerno sa rehabilitation at rebuilding ng Marawi,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
8 lungsod sa National Capital Region makakaranas ng water service interruption
NAGPAALALA ang Maynilad Water Services, Inc. sa walong lungsod sa National Capital Region (NCR) na maaaring makaranas ng water service interruption mula Oktubre 12 -16. Sinabi ng Maynilad na ang service interruption ay magaganap araw-araw sa mga nasabing petsa mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. sa ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Las Pinas, […]
-
Navotas, kinilala si San Jose bilang city patron, protector
SA kapistahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas, opisyal na kinilala ng Lungsod ng Navotas si San Jose bilang city patron at protector nito. Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at ng city council ang City Ordinance No. 2024-05, na nagdeklara rin ng unang Linggo ng Mayo bilang Pistang […]
-
Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show
INARESTO ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation. Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit […]