• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marawi infra projects, 80% kompleto na-TFBM

SINABI ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 80-percent complete na ang government-led rehabilitation efforts sa Marawi City.

 

Ito’y sa kabila ng hamon sa krisis sa kalusugan at masamang panahon.

 

Tiniyak ni TFBM chairperson and housing czar Secretary Eduardo Del Rosario na matatapos ang lahat ng infrastructure projects ayon sa “timeline of completion.”

 

“For all the public infrastructures na ginagawa natin , we are now 75 percent to 80 percent complete and all the rest will be completed by next year,” ayon kay Del Rosario.

 

Siniguro rin nito na ang master development plan sa Marawi ay matatapos sa loob ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“All projects will be completed by June 30 of 2022 within the term of the President as promised,” pagtiyak ni del Rosario.

 

“The newly inaugurated two mosques and four village complexes in Marawi City are “solid testament(s) that the TFBM’s efforts are moving forward,” dagdag na pahayag nito.

 

Pryoridad aniya ng TFBM na muling itayo ang mga mosque, na makatutulong sa mga siege-affected residents na makabangon mula sa “distressing effect of the war”.

 

Sa kabilang dako, inanunsyo naman ni Del Rosario na may 2,800 permanent housing units ang itinatayo ng 56 implementing agencies at TFBM’s partner organizations ang matatapos bago matapos ang taon.

 

Mahigit 600 permanent shelters naman ang kompleto na kung saan 300 naman ang inookupahan na ng mga residenteng inilikas dahil sa 2017 siege sa pagitan ng puwersang pamahalaan at mga teroristang may kaugnayan sa ISIS.

 

Kabilang naman sa mga “completed infrastructure projects”sa labas ng most affected areas (MAA) ng Marawi ay ang 19-kilometer Transcentral Roads; Lilod Guimba, Banggolo, at Mapandi bridges; Central Fire Station Phase 1; fully-equipped Rorogagus Health Station; at pagsasa-ayos ng road networks sa Pantar-Marawi at Maul, Maranto.

 

Napanatili naman ng pamahalaan ang livelihood programs para sa mga residente at patuloy na nagbibigay ng kahalintulad na tulong.

 

Natapos na rin ng TFBM ang ilang proyekto sa MAA gaya ng Disomangcop Mosque, Masjid Darussalam, at ang Tolali Barangay Complex na may health station at madrasah (Islamic school).

 

Samantala, sinabi naman ni Del Rosario na ang nagpapatuloy na pagtatayo ng permanent shelters sa iba’t ibang resettlement sites, at maging ang pagtatatag ng road networks sa loob ng MAA na mayroong underground utilities, solar lamps, at traffic lights, ay kasalukuyan ng nasa “final stages of completion.”

 

Ang pagtatayo ng three-story 20-classroom school buildings, mall-like Grand Padian Market, School of Living Tradition, Peace Memorial Park, Marawi Museum, Marawi Convention Center, ay Sarimanok Stadium ay malapit na ring matapos.

 

Ang TFBM ay nilikha sa ilalim ng Administrative Order 3 na ipinalabas ni Pangulong Duterte noong Hunyo 28, 2017, kasunod ng deklarasyon ng pamahalaan ng pagkapanalo nito laban sa terrorist groups.

 

Minadali ng task force ang ‘rehabilitation, recovery at reconstruction efforts” at tinulungan ang mga displaced families na makabangon. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama

    WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak. Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.” Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, […]

  • Tatapusin na ng UP!

    Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan […]

  • Higit P5.1- M halaga ng ecstasy tablets nasabat ng PDEA sa QC; 2 babae arestado

    NASA mahigit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Quezon City nitong gabi ng Sabado.     Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang babaeng drug suspek.     Ikinasa ang operasyon matapos sabihan ng mga custom official mula […]