Marc Pingris hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa tuluyang nagretiro sa paglalaro ng basketball si PBA star Marc Pingris.
Inanunsiyo kasi ng Nueva Ecija Rice Vanguards na pumirma sa kanila ang nine-time PBA champion para sa 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational Cup.
Gaganapin ang torneo mula Disyembre 11 hanggang 23, 2021.
Sinabi ni Rice Vanguards head coach Charles Tiu na labis silang nagagalak sa pagpayag ni Pingris na sumali sa kanilang koponan.
Magugunitang noong Mayo ay nagdesisyon ang 40-anyos na si Pingris na magretiro sa paglalaro sa PBA matapos ang 17 taon.
-
Pag-IBIG members, nakapagtala ng record-high na P59.52 bilyon savings
INIULAT ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ang kanilang mga miyembro ng record high na P59.52 bilyon na savings para sa unang walong buwan ng taong ito. Nabatid na ito ay paglago ng 11.45% year-on-year, at itinuturing na pinakamalaking halaga na naipon ng mga miyembro mula Enero hanggang Agosto, sa kasaysayan. Ayon […]
-
Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG
IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato […]
-
Operating hours ng LRT-2 paiiksiin
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng shortened operating hours sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa susunod na linggo. Batay sa inisyung advisory ng LRTA, nabatid na aabutin ng isang linggo ang naturang pagpapa-ikli sa oras ng biyahe ng mga tren o mula Hulyo 27, Lunes, […]