• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial kumukuha ng mga ideya sa NBA para sa PBA

BANTAY-SARADO sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games hinggil sa mga patong-patong na kaso na may kinalaman sa Coronavirus Disease 2019.

 

“Minamatyagan namin nang husto kung ano ginagawa nila,” bulalas kahapon ni Commissioner Wilfrido Marcial. “Kung may maganda, i-a-adopt namin sa PBA.”

 

Mas naging mahigpit ang USA major league sa health and safety protocols kaysa pinairal sa 74th 2020 bubble.

 

Pero maski nakaanim na laro na ang na-postpone, walang balak ang world’s oldest pro hoop na ihinto ang kasalukuyang seaon. Huling naunsiyani ang mga laban ng Washington Wizards-Utah Jazz at Boston Celtics-Orlando Magic.

 

Planng buksan ng PBA ika-46 na edisyon sa darating na Abril 9 kaya pinag-aaralan ang mga hakbang ng counterpart na liga.

 

Pinahinto ng Covid-19 ang dalawang liga noong Marso 2020. Nagsimulang muli ang NBA sa Orlando, Florida noong Hulyo sa bubble.

 

Tinularan ng PBA iyon sa Clark, Pampanga noong Oktubre at natloy ang taon ng liga kahit Philippine Cup na lang ang naisalba na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

Pinaiiral na sa NBA sa kasalukuyan ang home-and-away games na wala nga lang mga miron sa mga playing venue.

 

Kaya kinukunsidera ng PBA na mag-semi-bubble din sa Metro Manila matapos gumasta ng P65M sa Pampanga bubble. (REC)

Other News
  • China visit ni PBBM lilikha ng libu-libong trabaho – Palasyo

    MAGBIBIGAY ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino ang resulta ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Beijing, China kamakailan.     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging matagumpay ang tatlong araw na biyahe ni Marcos sa China at mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na […]

  • KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY

    NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.     Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng […]

  • DISBARMENT KONTRA GADON, PINAG-IISIPAN

    PINAPAG-ARALAN ng isang grupo ang paghahain ng disbarment  at criminal charges laban  kay  Atty.Larry Gadon na namatay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa impeksyon sa HIV,.   Ito ay kasunod din ng pagkondena ng HIV Advocacy Group sa naging  naging pahayag ni Gadon kung saan sinabi umano nitong hindi nakarekober  sa kanyang […]