• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial lubos ang pasasalamat sa tulong ni Thirdy Ravena

Ipinagmalaki ni Olympic-bound boxer Eumir Marcial ang ginawang pagtulong ni basketball star Thirdy Ravena.

 

 

Kasunod ito sa naging hinanakit ni Marcial sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Boxing Federation dahil sa hindi sapat na pondo at suporta.

 

 

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito na ang naging palitan nila ng mensahe ni Ravena at sinabi na nais niyang makatulong sa kaunting halaga dahil gusto niyang manalo ang mga ito.

 

 

Nauna ng sinabi ni Marcial na kulang ang P43,000 na monthly allowance nito lalo na at nagsasanay pa ito sa US.

 

 

Hindi lamang ito ang unang beses na tulungan ang national boxer dahil noong Marso ay tinulungan naman ni Kiefer Ravena ang isa pang boksingero na si Irish Magno.

Other News
  • DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

    Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.       Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.     […]

  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

    TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.     Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]