Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.
Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay P2 milyon.
Bukod sa P2 milyon para sa bronze medal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tatangap din si Marcial ng dagdag na tig-P2 milyon mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation (MVPSF) at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC).
May bonus ding P1 milyon mula kay House Deputy Speaker Mikee Romero para sa kabuuang P7 milyon.
Natalo ang tubong Zamboanga City na si Marcial kay No. 1 seed Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine via split decision sa kanilang semifinals bout kahapon.
Nauna nang nabigyan ang 25-anyos na si Marcial ng bye sa round-of-32 at sa round-of-16 ay tinalo niya si Younes Nemouchi ng Algeria at isinunod si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinals.
Noong Hulyo ng 2020 ay pumirma si Marcial sa isang six-year contract bilang isang professional boxer ng MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao.
Kasama na ngayon ang pangalan ni Marcial sa mga Pinoy athletes na nanalo ng Olympic bronze matapos sina swimmer Teofilo Yldefonso, tracksters Simeon Toribio at Miguel White at boxers Jose Villanueva, Anthony Villanueva, Leopoldo Serantes at Roel Velasco.
-
6 arestado sa tupada sa Valenzuela
Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry […]
-
EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany
Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany. Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka […]
-
GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie
NAG–ANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team. Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role. Tweet […]