Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.
Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay P2 milyon.
Bukod sa P2 milyon para sa bronze medal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tatangap din si Marcial ng dagdag na tig-P2 milyon mula kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation (MVPSF) at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC).
May bonus ding P1 milyon mula kay House Deputy Speaker Mikee Romero para sa kabuuang P7 milyon.
Natalo ang tubong Zamboanga City na si Marcial kay No. 1 seed Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine via split decision sa kanilang semifinals bout kahapon.
Nauna nang nabigyan ang 25-anyos na si Marcial ng bye sa round-of-32 at sa round-of-16 ay tinalo niya si Younes Nemouchi ng Algeria at isinunod si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinals.
Noong Hulyo ng 2020 ay pumirma si Marcial sa isang six-year contract bilang isang professional boxer ng MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao.
Kasama na ngayon ang pangalan ni Marcial sa mga Pinoy athletes na nanalo ng Olympic bronze matapos sina swimmer Teofilo Yldefonso, tracksters Simeon Toribio at Miguel White at boxers Jose Villanueva, Anthony Villanueva, Leopoldo Serantes at Roel Velasco.
-
10 arestado sa P292K shabu sa Valenzuela
NASAMSAM sa sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang halos P.3 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valennzuela police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog ng mga operatiba […]
-
AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’
INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV. Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na […]
-
Pagtugis sa 2 suspek sa karumal-dumal na pagtay sa Caloocan, pinaigting
PINAIGTING ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay 176, Bagong Silang. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas […]