• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial pinuri si Pacman

Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas.

 

 

Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso.

 

 

“Ever since I was a child, the name Manny Pacquiao has always been the name I’ve always heard, and has always been known in the field of boxing,” sabi kahapon ng tubong Zamboanga City.

 

 

Isa si Marcial sa mga Pinoy boxers na nasa bakuran ng MP Promotions ni Pacquiao bukod kina World Boxing Organization (WBO) bantamweight king John Riel Casimero at International Boxing Federation (IBF) super flyweight ruler Jerwin Ancajas.

 

 

“Even until now, it’s still Manny Pacquiao,” wika ng 25-anyos na si Marcial sa fighting Senator. “Proudly, I am a Filipino! I am a boxer like you!”

 

 

Ang nasabing pagkatalo kay Ugas noong Linggo sa Las Vegas, Nevada ang sinasabing pinakahuling laban ng 42-anyos na si ‘Pacman’.

 

 

“You will always be my hero, and someone I’ll always look up to. Thank you so much for inspi­ring us,” dagdag ni Marcial na ginawa ang kanyang matagumpay na professional debut laban kay American Andrew Whitfield noong Disyembre.

 

 

Bago matapos ang taon ay inasahang muling aakyat ng boxing ring si Marcial para sa kanyang ikalawang pro fight.

Other News
  • BONGBONG ‘LUCKY 8’ SA LISTAHAN NG MGA KANDIDATO NG COMELEC

    NAG-IISA na lamang ngayon si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may apelyidong Marcos base sa inilabas na candidates’ list ng Commission on Election (Comelec).     Sa pinakahuling listahan ng Comelec na isinapubliko nitong Enero 4, 2022, lumalabas na si Marcos Jr., ang presidential candidate number eight.     Ang […]

  • Ads September 30, 2023

  • Private hospitals, nakaalerto na sa mga mabibiktima ng paputok

    NAKAALERTO na ang mga pribadong ospital sa bansa sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng mga mabibiktima ng paputok habang papalapit ang Bagong Taon. Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano, hindi tulad ng mga nakaraang selebrasyon ng Bagong Taon, inaasahan nila ngayon na tataas ang […]