Marcial target isabak sa Agosto
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.
Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng laban at kung sino ang makakaharap nito.
Sa Agosto ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.
“Wala pa namang final pero sana sa August makalaban na ulit,” ani Marcial.
Pansamantalang mananatili si Marcial sa Pilipinas.
Habang nasa bansa, walang tigil sa training si Marcial upang handa ito sakaling maikasa agad ang kanyang susunod na laban.
“Nag-start na ulit ako sa training habang nandito ako sa Pilipinas. Kailangang ma-maintain yung kundisyon ng katawan. Mahirap kasi kapag nabakante,” ani Marcial.
Sa kasalukuyan, may 2-0 rekord na ito sa professional boxing.
Unang sumalang si Marcial noong 2020 nang maitala ang unanimous decision win kay Andrew Whitfield.
Muling sumabak si Marcial noong Abril nang kubrahin nito ang knockout win kay Isaiah Hart para sa kanyang ikalawang panalo.
-
Ads September 11, 2020
-
Operasyon ng MRT 3 hinto muna
Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected. Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line. “The shutdown may be extended […]
-
Bolick, Fernandez mayroong iringan
HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA) star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din. Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang […]