• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial, Watanabe barong Tagalog isusuot sa opening

ISUSUOT ng Team Philippines sa opening ceremony ng 32nd Summer Olympic Games 2020 ngayong Hulyo 23 sa Tokyo, Japan ang traditional barong Tagalog na gawa ni world-renowned designer Rajo Laurel.

 

 

Magdadala ng bandila ng bansa sina boxer Eumir Felix Marcial at judoka Kiyomi Watanabe sa programang sisimulan sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa ‘Pinas) sa may 68K-seating National Stadium.

 

 

Kaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang parade uniforms ng mga atleta, coach at opisyal.

 

 

Gawa sa cocoon silk barong na may machine-embroidered pitchera design Muslin inner shirt at light wool black pants ang magiging parade costume ni Marcial.

 

 

Samantalang si Watanabe ay yari rin sa cocoon silk short blazer, machine embroidered front at sleeves na may neoprene spaghetti-strapped black inner blouse at neoprene black pants ang irarampa sa seremonyang aabutin ng apat na oras n may 205 kalahok na mga bansa. (REC)

Other News
  • Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos

    HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.     Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Se­nate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa […]

  • Proud na proud din ang bf na si Ruru… BIANCA, honored na kasama ang movie nila ni NORA sa filmfest sa Nagoya

    IPALALABAS sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor.     Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024.     […]

  • PBBM, imbitado sa WEF sa Switzerland sa Enero 2023

    INIMBITAHAN si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero  2023.     Ang imbitasyon ay ipinarating kay  Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab  sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, araw ng Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of […]