• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos-Biden meeting sa APEC Summit, malabo

MALABO nang magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  at   US President Joe Biden  sa  sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

 

 

“No plans on this trip,”  ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez  sa isang panayam.

 

 

Inamin ni Romualdez  na may request mula sa tanggapan ni  Vice President Kamala Harris na makapulong si Pangulong  Marcos sa sidelines ng Summit.

 

 

“There is a request from the office of VP Kamala for sideline meeting with PBBM,” ani Romualdez.

 

 

Sa kabilang dako, nauna nang sinabi ng White House na pag-uusapan nina Biden at Chinese President Xi Jinping  ang pagpapalakas sa komunikasyon  at pangasiwaan ang kompetisyon kapag nagpulong ang mga ito  sa sidelines ng APEC ngayong linggo.

 

 

Ang face-to-face meeting sa San Francisco Bay Area ay ang  kauna-unahan sa pagitan nina  Biden at Xi ngayong taon, mayroong  high-stakes diplomacy na naglalayong pigilin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme

    NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.     Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]

  • Dahil sensitibo ang tema ng musical film: CASSY, medyo pressured at may takot sa magiging response ng tao

    EXCITED si Cassy Legaspi na mapasama sa musical film na ‘Ako Si Ninoy’.   “Ang daming first—first movie, first musical. Of course, medyo pressured ako or medyo takot ako sa mga response ng tao.   “Pero at the same time, I am very, very proud of what we did here and of what I did […]

  • Ads January 5, 2024