Marcos, inilatag ang mga prayoridad para sa 2023 national budget
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si incoming Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman na tiyakin na ang kanyang priority sectors ay makakakuha ng suporta mula sa 2023 national expenditure program.
Sinabi ni Pangandaman, sa isang kalatas na bilang karagdagan sa economic reconstruction target ni Marcos Jr., nais ng president-elect na pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod na aspeto gaya ng “agricultural and food security, climate change adaptation, economic recovery, improved healthcare and education, enhanced infrastructure projects including digital infrastructure, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism and jobs creation at sustainable development.”
Sinabi ni Pangandaman, na nilalayon niya ang isang budget plan na makakapag- “promote a broad-based and inclusive economic recovery and growth.”
“President-elect Marcos’ priority programs are in line with that,” dagdag na pahayag ni Pangandaman.
Sinabi pa ni Pangandaman na ang buong economic team ni Marcos Jr. ay magkikita sa lalong madaling panahon.
Noong nakaraang buwan, hinikayat ni DBM officer-in-charge Tina Canda ang incoming administration na obserbahan at tingnan ang spending plan cap na ₱5.268 trillion para sa 2023 “for prudent fiscal management”.
Kinilala ni Canda na ang budget ay maaaring “tight,” subalit ang pamahalaan ay kailangan na manatili sa ganoong level “if we want to be respected in the international financial community.”
“Under the constitution, the National Expenditure Program detailing the government’s proposed budget will be submitted to Congress within thirty days from the opening of its regular session,” ayon kay Canda.
Ang 19th Congress ay nakatakdang mag-convene sa Hulyo 25. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Taas pasahe sa LRT 1, LRT 2 simula Aug. 2
NAHAHARAP ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) sa pagtataas ng pamasahe simula sa darating na Aug. 2. Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang Lunes ay kanilang sinabi na magkakaroon ng pagtataas ng pamasahe sa dalawang rail lines. […]
-
Mayweather, hindi isinama sina Pacquiao at Ali sa top 5 na pinakamagaling na boksingero niya
Hindi isinama ni US retired boxing champion Floyd Mayweather sina Manny Pacquiao at Muhammad Ali bilang top 5 na pinakamagaling niyang boksingero sa buong mundo. Isinagawa nito ang pahayag sa Instagram live ni FatJoe. Tinanong siya dito na magbanggit ng limang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo kasama siya sa listahan. Ilan sa […]
-
Cong. Jaye Lacson-Noel naghain ng COC bilang Mayor ng Malabon
OPISYAL na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si incumbent Congressman Jaye Lacson-Noel para sa pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Malabon sa darating na May 2025 election, Lunes ng hapon. Sinalubong siya ng malakas na hiyawan at sigawan mula sa kanyang daan-daang mga taga-suporta nang dumating sa ground floor ng […]