• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr., binati ang ‘BFF’ na si Sara Duterte ng ‘happy birthday’

TINAWAG ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF”, kasabay ito ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan.

 

 

Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.”

 

 

“Happy Birthday Mam Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post.

 

 

“Cheers to the best running mate and BFF anyone could wish for!” aniya pa rin.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang taon, nanguna ang magkapatid na Imee at Bongbong Marcos sa paglipad sa Davao City para personal na batiin sa kanyang kaarawan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Sabado pa lang, Mayo 29, 2021, magkakasama nang nananghalian sina Duterte-Carpio, Imee, at Bongbong para ipagdiwang ang ika-43 birthday ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Mayo 31, ang mismong kaarawan ng alkalde.

 

 

“I would like to thank Sen. Imee and former Sen. Bongbong Marcos for their birthday greetings and my husband for the lunch he hosted,” sabi ni Duterte-Carpio.

 

 

Pinasalamatan naman ng mayora ang mga supporters niya na nag-virtual concert noong Linggo para sa kaniyang birthday. Pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling ligtas.

 

 

Personal namang bumati si House Majority Leader Martin Romualdez kay Duterte-Carpio. Si House Speaker Lord Allan Velasco naman, bumati rin bitbit ang mga pirmadong birthday greetings ng mga kongresista. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 3, 2021

  • Controversial docu-film ‘Lost Sabungeros’ premieres in QCinema International Film Festival

    AFTER its controversial cancellation at the 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, the wait is finally over as GMA Public Affairs’ first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros,” is set to have its international premiere at the QCinema International Film Festival this November 9.   Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate the disappearances […]

  • Nabundol habang tumakas, kelot na tirador ng bisikleta dedbol sa motor

    TODAS ang isang lalaking nagnakaw umano ng bisikleta nang mabundol ng motorsiklo habang tumatakas sa mga humahabol na barangay tanod sa Caloocan City.     Sa ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nabisto ng mga tanod ang ginawa umanong pagnanakaw ng bisikleta ng lalaking si alyas “Mac-Mac” dakong alas-9 ng gabi […]