• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict

NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI nitong bagong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa kanyang social media, sinabi niya ang matinding pagkalungkot dahil sa nalaman ang pagpanaw ng Pope sa edad na 95 sa kanyang bahay sa Vatican.
Nakikiisa umano ang Pilipinas sa pagdarasal para sa matiwasay na paglalakbay ng kaluluwa ni Pope Benedict, at kasama ring ipagdarasal ang naiwang pamilya nito.
“We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI today. The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers,” sinabi pa ni Marcos.
Matatandaan na inanunsiyo ng vatican nitong Sabado Disyembre 31,2022 ang pagpanaw ni Pope Benedict dahil sa matagal ng karamdaman.
Pinangasiwaan ni Pope Benedict ang Simbahang katoliko sa loob ng walong taon at isa siya sa pinakamatandang nahalal na pinuno ng simbahang Katoliko.  (Daris Jose)
Other News
  • Bong Go: Pension ng seniors doble na

    INIHAYAG ni Senador Christopher “Bong” Go na patuloy niyang susuportahan ang mga batas at programa para sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa, lalo ang mga mahihirap. Kahapon ay pinuri ni Go ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11916 o ang batas na nagdodoble sa social pension ng mga kwalipikadong senior citizen. Ang RA […]

  • League of Provinces, pag-uusapan na gawing opsyonal ang pagsusuot ng COVID-19 face mask

    PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines  kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa  COVID-19 kapag nasa labas.     “Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga […]

  • No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles

    HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.     Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, […]