• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, namumuhay ng simple, duda sa ill-gotten wealth- PDu30

WALANG pera at namumuhay lamang ng simple si presidential candidate at dating Senator Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI, araw ng Biyernes.

 

 

Matatandaang, tinawag ng Pangulo si Marcos na “a weak leader” at “a spoiled child”.

 

 

Sa nasabing panayam, sinabi rin ng Pangulo na sa nakalipas na mga taon ay nabigo ang gobyerno ng Pilipinas na makita na mayroong ill-gotten wealth ang pamilya Marcos.

 

 

“Iyong pera ninakaw, eh, hanggang ngayon, wala naman silang nakita. Ito kung maniwala kayo, kung hindi, okay lang. Marcos, may kaunting perang naiwan, na-sequester lahat eh, pati iyong sa Switzerland,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Sa katunayan aniya ay nakisakay lamang sa kanya si Marcos noong mangampanya ito sa pagka-senador.

 

 

“Alam mo noong kampanya sa senador, nakikisakay lang iyan siya sa akin… Kung saan ako, kung may pera siya noon o wala, magtataka kami,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“Walang pera ito, wala. Simula noon, wala naman… Simple living lang siya, wala siya ‘yung sabihin mo talaga,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nobyembre ng nakaraang taon nang tawagin ni Pangulong Duterte si Marcos Jr. na isang “spoiled” at “weak leader”.

 

 

Tinanong kasi ang Chief Executive ng local Mindoro lider kung may alyansa sa pagitan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD party at PDP-Laban at PDDS na kung siya ay miyembro nito.

 

 

“No. I cannot because nand’yan si Marcos. Hindi ako bilib sa kaniya. He’s really a weak leader,” wika ni Duterte.

 

 

Si Marcos Jr., na kapangalan ng yumaong ­dating pangulong Ferdinand Marcos, ay running mate ni Duterte-Carpio.

 

 

“Hindi ako naninira ng tao, talagang weak kasi spoiled child, only son. Of course he can talk, he deli­vers English articulate[ly], ang aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo na may crisis, he’s a weak leader at saka may bagahe siya,” dagdag pa ni Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • ORIGINAL ANIME SERIES RESIDENT EVIL: INFINITE DARKNESS, COMING TO NETFLIX IN 2021

    KNOWN as the gold standard of survival horror games with over 100 million units from the game series shipped worldwide, “Resident Evil” has now been transformed into a Netflix original CG anime series.   This series is scheduled for a global launch in 2021 exclusively on Netflix. Three years after 2017’s CG film “Resident Evil: […]

  • Approval, trust ratings ni Pangulong Marcos bumaba; Sara tumaas

    DUMAUSDOS pababa ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, batay sa latest Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia.       Mas mababa ito sa approval rating ni Marcos na 55 percent noong Marso na ngayon ay nasa 53 percent […]

  • MAVY at CASSY, secure na ang future dahil maayos na na-invest ang kinita simula noong bata pa

    NAG-POST ng isang topless photo ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa Instagram noong sunmapit ang 27th birthday niya.      May suot naman pantalon si Kim at bahagyang tinakpan niya ang kanyang malusog na dibdib.     Caption pa niya: “Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes […]