Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos
- Published on July 7, 2022
- by @peoplesbalita
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.
Sa Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ginawa ni Pangulong Marcos ang pagtanggi matapos na mapag-usapan ang ideya sa isinagawang unang Cabinet meeting sa Malakanyang.
“We don’t want anyone out of ..a job at this point,” ayon kay Tulfo kung saan kinu-quote si Pangulong Marcos.
“Ito sagot ng Pangulo matapos iprisinta ang ideya sa kanya na magbawas siguro ng tao para makatipid ang gobyerno sa ilalim ng pandemic recovery,” ang pahayag ni Tulfo.
Nauna rito, nilagdaan ni Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez ang isang Memorandum Circular kung saan nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng Hunyo 30, o nang magsimula ng umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang mga ito ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as co-terminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual and/or casual employees.”
Ang dokumento ay inisyu noong Hunyo 30 subalit ipinalabas sa media kamakailan. (Daris Jose)
-
LUMAGDA sina Mayor John Rey Tiangco sa isang memorandum of agreement (MOA)
LUMAGDA sina Mayor John Rey Tiangco sa isang memorandum of agreement (MOA), kasama sina Atty. Michael Drake Matias, Regional Director ng Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR), at Ms. Sonia Mendoza, Chairperson ng Mother Earth Foundation (MEF) dahil sa hangarin ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na […]
-
NU undefeated pa rin sa Men’s Volleyball
Matapos ibagsak ang unang dalawang set, bumalik ang National University Bulldogs para manatiling walang talo sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament, 22-25, 22-25, 25-14 25-22, 15-6, laban sa University of the East noong Linggo sa PhilSports Arena. Si Congolese rookie Obed Mukaba ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa walong pag-atake, siyam […]
-
Ads March 27, 2021