Maria Ressa nag-‘playing the victim card’- Sec. Roque
- Published on July 24, 2020
- by @peoplesbalita
KAAGAD na nahalata ng Malakanyang ang pagiging ‘playing the victim card’ ni Rappler CEO and executive editor Maria Ressa nang banggitin nito ang non-renewal ng broadcast franchise of ABS-CBN matapos na maghain ng “not guilty” plea sa lokal na korte.
“It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the non-renewal of the broadcast franchise of ABS-CBN after filing her “not guilty” plea before a local court,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Inulit ni Sec. Roque na ang pagbibigay ng broadcasting franchise ay natatangi at eksklusibong karapatan ng Kongreso.
Binigyang diin pa rin ni Sec. Roque na pinapanatili nila ang neutral na posisyon sa usapin bilang bahagi ng kagandahang-loob at paggalang sa hiwalay na co-equal branch ng pamahalaan.
“ABS-CBN, Rappler, and other news entities continue to report on the events happening in the country. A good case in point is the ABS-CBN News coverage of the “not guilty” plea of Maria Ressa, which can be read online. There is certainly no truth to Ms. Ressa’s allegation. The press can keep on reporting as long as there is no violation and has the right to continue its operations,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, naghain ng not guilty plea si Maria Ressa laban sa kinahaharap na ikalimang tax evasion charge sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga, matapos igiit na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.
Si Ressa, 56-anyos na Rappler CEO-Executive Editor at kilalang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay nahaharap ngayon sa kasong tax evasion na sinasabi niyang pangha-harass o panggigipit lamang ng pamahalaan.
Umapela si Ressa sa Pasig RTC Branch 257 sa sala ni Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz para sa pagdinig kaugnay sa hindi pagbibigay ng sapat na impormasyon para sa value-added tax (VAT) return ng Rappler para sa second quarter ng 2015 na nagkakahalaga ng P294,258.58.
Matatandaang naghain ang Department of Justice noong October 2018 laban kay Ressa at Rappler Holdings Corp. (RHC) ng five counts of tax evasion na kung saan ay apat ditto ay naihain na sa Court of Tax Appeals habang ang 5th count na CTA’s 1-million-peso threshold ay inihain sa Pasig RTC.
Itinanggi ng Pasig RTC ang mosyon ni Ressa at magpapatuloy ang pagding matapos makapagbayad na ng halos nasa P1 million travel bond sa kinahaharap na kaso.
“The irony here is just for travel bond in this court, which has had different judges to be fair, I’ve already paid a million pesos to be allowed, to be free to travel, to this court…There was one I wasn’t even gone overnight last year and I had to pay half a million pesos in travel bond. This is now, a million pesos is now in this court for my travel bond for an alleged P200,000 violation,” ayon kay Ressa.
Nakapagpiyansa si Ressa sa kanyang limang tax case noong December 2018 habang kinasuhan din si Ressa ng libel at nahaharap sa anim na taong pagkakakulong subalit naghain ng bail na kung saan sinasabi niya na isang suntok umano ang ginawa ng pamahalaan sa pagsira sa democratic freedom ng bansa. (Daris Jose)
-
Nagpapasalamat kay Sen. Chiz na palaging nakasuporta: HEART, umamin na grabeng pressure ang pinagdaanan para magka-baby
SA isang exclusive interview ng Mega Magazine, inamin ni Heart Evangelista ang grabeng pressure na magka-baby sila ng esposo na si Sen. Chiz Escudero na kung saan walong taon na silang kasal at nagsasama sa February 15. “I think it was a lot about being pressured to have a baby,” pag-amin ni Heart. […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 45) Story by Geraldine Monzon
TATALIKURAN sana ni Bernard ang babae ngunit bigla siya nitong niyakap mula sa likuran. “Bernard please!” Sa aktong iyon bumungad sa pintuan ng opisina si Angela. “Bernard…” Sabay na napalingon kay Angela ang dalawa. Mabilis na inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakayakap sa kanya. “Angela, sweetheart!” […]
-
PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas
TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga. Sa press briefing, […]