• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARITIME SECTOR, TUTULONG SA 12 FILIPINO CREW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19

HANDANG tumulong ang maritime sector  ng Department of Transportation (DOTr),na binubuo ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine Coast Guard (PCG),kasama ang mga miyembro ng ahensya ng One-Stop Shop (OSS)Port of Manila  sa lahat ng mga tripulanteng Pilipino na nagpostibo sa COVID-19 sakay ng container ship mula India. 

 

 

Sa impormasyong nakuha ng MARINA, ang MV Athens Bridge ay umalis mula India noong April 22 ayon sa shipping agent ng barko at dumating sa Haiphong, Vietnam noong May 1 para sa RT-PCR test ng mga tripulante.

 

 

Dito nalaman na mula sa 21 Filipino crew ,12 ang nasuring positibo ng COVID-19.

 

 

Nakatanggap naman ng request ang PCG noong May 6 mula sa kapitan ng barko  upang mabigyan ng medical evacuation ng dalawang miyembro na kailangan ng agarang pangangalagang medikal kung saan noong mga oras na iyon ay nasa Corregidor Island ang barko..

 

 

Matapos mabigyan ng clearance mula sa BOQ at Department of Health (DOH), inatasan ang  MV Athens Bridge sa quarantine anchorage area na itinalaga ng OSS Port of Manila.

 

 

Nagbigay din ng seguridad ang PCG upang matiyak na walang barko o banca na hindi otorisado na lumapit sa nasabing barko.

 

 

Matagumpay namang naibaba ng BOQ doctors ang dalawang crew na critical para sa agarang medical evaluation at dinala sa dedicated  medical  facility .

 

 

Habang ang iba pang crew ay nanatili sa barko ngunit binigyan ng medical supplies kabilang ang oxygen tanks sa tulong an rin ng BOQ at PCG.

 

 

Tiniyak naman ng national government sa oamamagitan ng maritime sector ng DOTr na ang sitwasyon at kondisyon ng mga tripulante ay lagging nasususbaybayan.

 

 

Bibigyang prayordad din ang health protocol at kaligtasan sa buong proseso.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

    NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.     Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.   “Medyo sineseryoso ko po […]

  • Gov Remulla pwede kasuhan sa Cavite rally ‘vote buying’ — abogado

    PUWEDENG kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) mismo ang isang pulitiko sa probinsya ng Cavite dahil sa pamimigay ng pera bago ang isang political rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa isang election lawyer.     Martes nang mamataang namimigay si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng libu-libong papremyo sa isang covered court […]

  • SP Escudero ipinaliwanag kung bakit ‘di nasamahan ni ex-VP Leni si PBBM sa stage

    HINDI nasamahan ni dating Vice President Leni Robredo si Pangulong Ferdinand Marcos sa stage dahil may kasunod itong appointment sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena sa Sorsogon City.   Ayon kay Senate President Chiz Escudero sa orihinal na plano ay sasamahan ni Robredo ang Pangulo at iba pang panauhin sa stage, at panonoorin nila ang […]