• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Markus, may regret na nakipagmabutihan sa taga-showbiz: JANELLA, inaming single mom na at kayang buhayin at palakihin ang anak

SA Youtube video na ipinost ng Rise Artists Studio featuring unfiltered stories about their relationships ng mga hosts ng “Boys After Dark” na sina Markus Patterson, Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez at Aljon Mendoza, nagbitiw ng salita si Markus.

 

Si Markus ang ex na ngayon ng actress na si Janella Salvador at ama ng anak niya. Sa naging pahayag nito, malinaw na may pait pa rito ang kinahinatnan ng relasyon nila. Kaya may regret ito at may payo na ‘wag daw makipag-date sa mga taga-industry.

 

Napapamura pa ito sa pagsasabing, “Kung may lesson ako sa mga relationships ko, never to fucking date someone in the industry, bro!”

 

May pakiusap pa ito na ‘wag daw ika-cut or ie-edit ang sinabi niya dahil seryoso raw siyang talaga.

 

Timing naman ang pagkakalabas ng video sa pag-amin ni Janella na single na nga siyang muli at may pahayag pa na tila on her own ay gusto nitong buhayin at palakihin ang anak nila.

 

Base sa mga comments ng mga netizen na nababasa namin, lalo na sa Twitter kunsaan ay trending pa rin sina  Janella at Markus, mukhang sa paglabas ng huli ng saloobin niyang ito, mas nakukuha ni Janella ang simpatiya ng mga netizen.

 

Ilan sa mga comments, “Markus Paterson is barely in the industry. people only got to know about your existence when janella mistakenly dated you.”

 

“Sobrang cringe talaga nitong Markus Paterson nato even before.  I really didn’t like his vibe and even his attitude. Glad janella salvador’s free now. YOU GO, GIRL!”

 

“Markus Paterson who got Janella Salvador pregnant at the peak of my beloved JoshNella love team is spitting some shit and thinking he’s relevant by saying ‘industry’. Lol, people wouldn’t know you if it weren’t for Janella. Janella deserves way more than better.”

 

 ***

 

ELEVEN years na ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Imagine, 15 pa lang si Kathryn nang magsimula ang KatNiel at 16 nama si Daniel.

 

Sino nga ba sa ngayon ang katulad nina na mga teenagers pa lang nang maging magka-loveteam, naging for real ang relasyon at hanggang ngayon, after 11 years ay nananatiling matatag at dalawa sa maituturing na pinakasikat na artista sa bansa.

 

Kaya kahit ang mga ibang artista, sila ang peg at iniidolo as loveteam.

 

Siguro, malaking factor rin talaga ang pagiging appreciative nina Kathryn at DJ sa kanilang fandom. Tuwing anniversary, although of course, hindi naman sila nakakalimutan ng KathNiels na i-celebrate, kahit sila, mapi-feel mo ang importance na ibinibigay nila sa mga fan nila.

 

Nag-post nga si Kathryn ng video nila kunsaan, sabay nilang hinipan ang anniversary cake nila bilang loveteam. 

 

At sa caption ni Kathryn, hindi nga raw siya makapaniwala sa mga narating na nila bilang loveteam.

 

Sey niya, “Happy 11th anniversary to the best fandom anyone could ever ask for!

 

“Thank you for the 11 wonderful years, KathNiels.  Growing up with you is something that we’ll cherish forver, and reminiscing all the memories we’ve shared will always bring a smile to our faces.  Still can’t believe how far we’ve come! We’ll work hard to continue making you proud.

 

“Maraming salamat. Mahal namin kayo! Kita kita tayo soon, okay?”

 

Ang kasalukuyang serye nina Kathryn at Daniel na “2 Good 2 Be True” na napapanood sa Netflix ang isa sa pinakamagandang gift ng dalawa sa kanilang mga fan, pero siyempre, wala ng gaganda pa sa tibay ng relasyon na meron sila.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads December 20, 2022

  • Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

    Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.     Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region […]

  • IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics

    Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.     Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.     Nakasaad kasi sa IOC […]