• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maroons amoy na ang UAAP crown

NAITARAK  ng University of the Philippines ang gitgi­tang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 steals, 2 assists at 2 blocks upang pamunuan ang Fighting Maroons na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

 

 

Solido ang suportang ibinigay si Zavier Lucero na ku­mana ng double-double output na 17 points at 13 boards kasama pa ang 2 blocks, 1 assist at 1 steal.

 

 

Naramdaman din si James Spencer na umani ng 13 points, habang nakalikom naman si Maodo Diouf ng sariling double-double showing na 10 points at 13 rebounds.

 

 

Nagdagdag naman si Carl Tamayo ng 10 markers at 9 rebounds para sa UP.

 

 

Nakakuha ang Fighting Maroons ng 26 points mula sa turnovers ng Blue Eagles, habang mayroon din itong 44 points sa paint at 22 second chance points.

 

 

Hindi napakinabangan ang 18 points at 11 boards ni Angelo Kouame gayundin ang tig-17 markers na na­gawa nina SJ Belangel at Rafael Verano para sa koponan ng Blue Eagles.

 

 

Hawak ng Blue Eagles ang 70-67 kalamangan sa huling 27.6 segundo sa fourth quarter nang pakawalan ni Spence ang umaatikabong tres para maitabla ng Fighting Maroons ang laro sa 70-70 at mauwi sa overtime ang laro.

 

 

Sa extra period ay binasag ng UP ang 74-74 matapos pumukol si Rivero ng sariling three-pointer para sa 77-74 abante, may 2:32 pang nalalabi.

 

 

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang UP sa Ateneo para ma­kuha ang panalo.

 

 

Aarangkada ang Game Two ng Fighting Maroons at Blue Eagles sa Miyerkules sa alas-6 ng gabi sa parehong venue kung saan puntirya ng UP na maiselyo ang korona na huli nilang nakamit noong 1986 sa likod nina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.

Other News
  • Mga director ng MAHARLIKA INVESTMENT CORP., nanumpa sa tungkulin

    APAT na bagong director ng Maharlika Investment Corp. (MIC) ang nanumpa sa tungkulin, araw ng Miyerkules para tumulong na patnubayan ang Maharlika Investment Fund (MIF).     Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina long-time Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.     […]

  • Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon

    DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.     Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]

  • DA, naglunsad ng P45/kilo ‘Rice-for-All’ program

    INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na nakatakda itong maglunsad ng bagong inisyatiba na naglalayong gawing affordable ang presyo ng bigas para sa mga Filipino consumer.         Sinabi ng DA na ilulunsad nila ang Rice-for-All program, araw ng Huwebes, Agosto 1, 2024.     Ang bagong programa ay ‘follow up’ sa P29 […]