• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martin ‘di makakalaro sa Gilas sa World Cup

Malabong makalaro si Fil-Am guard Remy Martin para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas.

 

 

Ito ang inihayag ni Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant exe­cutive director Butch An­tonio dahil pa rin sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.

 

 

Base sa rules and regulations ng FIBA, kailangang nakakuha ng passport sa bansang kanyang nais katawanin ang isang indibid­wal bago tumuntong sa edad na 16-anyos.

 

 

Sa kaso ni Martin, naka­kuha siya ng Philippine passport noong 16-anyos na siya.

 

 

Kaya naman maituturing si Martin na naturalized player sa isang FIBA-sanctioned tournament kagaya ng pagturing sa iba pang Fil-foreign players na may parehong sitwasyon.

 

 

Nauna nang nagpaha­yag ng intensiyon si Martin na maging bahagi ng Gilas Pi­lipinas para sa mga international competitions.

 

 

Subalit matatagalan ito.

 

 

Mismong si SBP chairman emeritus Manny V. Pa­­ngilinan na ang lumili­gaw sa pamunuan ng FIBA upang magluwag sa patakaran.

Other News
  • ‘Dancing doctor’ Eric Tayag itinalagang bagong DOH undersecretary

    IN-APPOINT bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) ang epidemiologist at infectious diseases expert na si Dr. Eric Tayag.     Ang balita ay kinumpirma ni Tayag — na kilala sa paggamit ng pagsasayaw sa health-related campaigns bilang dating DOH assistant secretary — sa News5 ngayong Martes.     Hinihingian pa naman ng media […]

  • Falcon posible pa maging super typhon habang papalabas ng PAR-PAGASA

    NAPANATILI ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran patungo sa dagat timog silangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau.     Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA.   Lakas ng hangin: 175 kilometro kada […]

  • Paglilinaw ng DBM… Pagpapalabas ng performance-based bonus, magpapatuloy

    NAGPALABAS ng paglilinaw ang Department of Budget and Management (DBM) matapos na ipag-utos ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng Results-Based Performance  Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System.       Upang bigyang-linaw ang concern na ito na nagmula sa pagpapalabas ng   Executive Order No. 61, sinabi ng DBM na  “release of […]