• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martinez sasaklolohan ni Cheng, PHSU sa training

URA-URADANG umaksiyon ang Philippine Skating Union (PHSU) at ang presidente nito na si Dyan ‘Nikki’ Cheng sa pangangalampag ni two-time Winter Olympic figure skater Michael Christian Martinez na kasalukyang nasa United States at nagti-training.

 

 

Pinangalandakan ng 24 na taong gulang at 5-9 ang taas na dating national athlete sa kanyang social media account ang paglulunsad ng $50K (P2.4M)  fundraising campaign na tinagurian niyang “Michael Martinez: Road to 2022 Winter Olympics.”

 

 

Martes naman nang ipahayag ni Cheng, na nakipag-ayos na siya sa tubong Parañaque pero Muntinlupa na residente na manlalaro para masaklolohan sa pangangailangang pinansiyal habang nasa Estados Unidos.

 

 

Klinaro nga lang ng opisyal na hindi maibibigay ng PHSU ang buong halagang lilikumin ni Martinez bunsod sa aniya’y may lima pang atleta sila na kagaya ng veteran figure skater na nangangarap ding mag-qualify sa Beijing, China 24th Winter Olympic Games 2022. (REC)

Other News
  • NATHALIE EMMANUEL ATTENDS THE WEDDING OF HER NIGHTMARES IN “THE INVITATION”

    EMMY-NOMINATED actress Nathalie Emmanuel is best known for her remarkable performance in the role of Missandei in the critically acclaimed HBO series Game of Thrones.  She also made a mark as Ramsey in the seventh and eighth installments of the blockbuster film series Fast and the Furious.   Now, Emmanuel stars in the lead role of Evie […]

  • Saso PSA Athlete of the Year

    Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagawa ni Asian Games champion Yuka Saso na magning­ning upang tanghaling PSA Athlete of the Year para sa taong 2020.     Dalawang korona ang nasungkit ni Saso sa Japan LPGA habang pumang-13 ito sa prestihiyosong US Open para bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nito na magdiwang. […]

  • Pinasilip din ang kakaibang kulay ng outfits ng debutante: SHARON, nag-post ng baby picture ni MIEL na turning 18 na this September

    HOW soon time flies!     Nag-post si Megastar Sharon Cuneta ng baby picture ng youngest girl niya na si Miel Pangilinan who is turning 18 on September 2, 2022.     Maraming natuwa sa picture ni Miel at maraming nagpasalamat kay Sharon for sharing the cute baby photo of her youngest daughter.     […]