Mary Ann Maslog, isasalang sa lie detector test ng NBI
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
SASALANG na sa lie detector test ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mary Ann Maslog– ang textbook scam na inakusahan na pineke ang kanyang kamatayan upang makaiwas sa pag-aresto sa kanya.
Ayon sa NBI, ang lie detector test ay isasagawa kasunod ng rebelasyon sa pagkaka-ugnay ni Maslog kay dismissed mayor Alice Guo ng Bamban Tarlac.
Pangungunahan ni NBI Director Jaime B.Santiago ang lie detector test kasama ang officer on case.
Sa Senate hearing noong Oct.8 , nabunyag na si Maslog ay isa rin sa kinausap ng PNP-Intelligence Group para sa pagsuko ni Guo nang siya ay pinaghahanap pa. Binisita rin ni Maslog si Guo habang nakadetine sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame, Quezon City.
Ang pag-aresto kay kanya ay nag-ugat sa isang reklamo na niloko ng isang Dr.Jesica Francisco sa pagbibigay ng P5 milyon bilang puhunan sa isang proyekto sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa imbestigasyon ng NBI, natuklasan na ang finger print sa biometric printout ng Bureau of Immigration (BI) ay natukoy sa NBI clearance na inisyu kay Mary Ann Maslog o Mary Ann Evanz Basa Tupa Smith.
Dahil dito, natuklasan ng NBI na si Maslog ay may dalawang outstanding arrest warrants na inisyu ng Regional Trial Courts (RTC) ng Makati at Parañaque City.
Matapos maisilbi ang arrest warrant at maaresto si Maslog, kinasuhan siya ng NBI sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa falsification of public document at paglabag sa Anti-Alias Law.
Sinabi ng NBI na si Maslog ay inakusahan din sa 1999 tax scam at dalawa sa kanyang co-accused officers ng Department of Education (DepEd) na nahatulan at nasintensyahan ng 10 taong pagkakabilanggo.
Gayunman, sinabi ni Santiago na sa paglilitis ng kanyang kaso na iniulat ng kanyang abogado na siya ay patay na. GENE ADSUARA
-
Duque pinagbibitiw, Moralis pinakakasuhan
PINAGBIBITIW ng Health Alliance for Democracy (HEAD) si Health Seceetary Francisco Duque habang pinakakasuhan naman si Philippine Health Insur- ance Corporation(PhilHealth) CEO Ricardo Morales dahil sa umano’y mga katiwalian sa ahensiya. Pasado alas 10:30 ng umaga nang magsagawa ng pagkilos ang mga health workers sa harap ng gusali ng DOH bitbit ang placards at […]
-
Lakers pormal nang ipinakilala ang bagong coach na si Darvin Ham; Russell Westbrook kasama sa nag-welcome
PORMAL nang ipinakilala sa publiko ng Los Angelec Lakers ang kanilang bagong coach na si Darvin Ham na nakuha nila na assistant coach mula sa Milwaukee Bucks. Agaw pansin naman ang presensiya ni LA guard Russell Westbrook na nasa tabi upang magbigay ng suporta sa bagong head coach. Kung maalala kabilang […]
-
P843.9 bilyon lugi ng SSS, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS). Sa inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 unaudited financial statement ng SSS kung saan nakasaad na nalugi sila noong 2021 ng P843.9 bilyon. Nakasaad naman sa resolusyon ang mga legal […]