Mary Jane Veloso pinasalamatan sina PBBM at Indonesian Pres. Prabowo
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Mary Jane Veloso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Indonesian Prabowo Subianto at lahat ng mga tumulong para ito ay makabalik sa Pilipinas matapos ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia.
Gabi ng Miyerkules ay dumating si Veloso sa Soekarno-Hatta International Airport habang pabalik na sila sa bansa.
Sinabi nito na nais niyang makapag-simba pagdating sa Pilipinas.
Kasama nitong sumakay sa eroplano ang ilang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni Undersecretary Eduardo de Vega.
Pagdating sa Pilipinas sa umaga ng Miyerkules ay didiretso agad siya sa Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong para sa limang araw na quarantine.
Magugunitang nahaharap sa parusang kamatayan ang 39-anyos na si Veloso matapos na mahulian siya ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia noong 2010.
Taong 2015 ng pansamantalang kinansela noon ni Indonesian President Joko Widodo ang kaniyang nakatakdang pagbitay.
Nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay nagkaroon ng kasunduan Pilipinas at Jakarta para ilipat sa bansa si Veloso. (Daris Jose)
-
PDU30 inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services. Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19. Nakasaad sa EO […]
-
XIAN LIM’S ‘MALA: IBONG ADARNA’ TO STREAM AT THE CCP-OFFICE OF THE PRESIDENT FACEBOOK PAGE
THE famed Filipino literary classic ‘Ibong Adarna’ will be showcased in a puppetry film series slated on October 31, 2020 at 5:45pm on the Cultural Center of the Philippines – Office of the President Facebook page. Using muppets, visual effects and live action, Ibong Adarna is one of the puppet series for children under […]
-
“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” CLOSES A TRILOGY, STARTS A MULTIVERSE OF POSSIBILITIES
WITH the character of Peter Parker in his last year of high school and the eyes of the world on him, it was clear that Spider-Man: No Way Home (now playing in Philippine cinemas) would be the final chapter in Peter Parker’s coming of age story. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/bSo7ypG9IVQ] […]